Can I Call You Mine?

11 1 0
                                    

♡♡♡Chapter 5♡♡♡

Ang tahimik naman....

Nasa loob kami ng sasakyan niya and oh I like his car. Ang tahimik di pa naman ako sanay sa tahimik kasi sa school maingay pati sa bahay maingay ang mga pamangkin ko so pati ako maingay at madaldal.
Narinig kong tumikhim siya. Paglingon ko nakatingin siya saakin kung hindi lang traffic baka sinapak ko na ito di nakapokus sa daan.

"Bakit?" di ko maiwasang mailang bakit ba sa tingin ng lalaking to lagi akong naiilang hayyss... Knock knock!! Answer me please...

"Saan ba banda tung school nyo dito actually dapat kanina pupunta na ako eh kaso di ko alam kung saan banda eh." tanong niya parang di pa sigurado kung dapat niya ba iyong tanungin sakin..

Tinignan ko kung nasaan na kami, lagpas na kami sa school ko.

"Lagpas na tayo eh pero pag nagdrive ka ulit makikita mo siya may malaki kasing rosary sa main building namin and nasa tapat lang siya ng kalsada kaya madaling makita " sabi ko bakit ba ganito yung nararamdaman ko parang kinakabahan ako na naeexcite weird..

"Ah ganoon ba okay... Pwede ba kitang puntahan minsan?" napalingon ako sa kanya kaso nakatutok na yung mata niya sa daan kasi umandar na yung nasa harap namin.

Labdub.... Labdub....

"B-bakit n-naman?" tanong ko.

"Minsan kasi di ko alam kung saan ako pupunta para pamatay oras kaya yayayain kitang mamasyal para maiba naman."

Sigurado ba siya sa mga pinagsasabi niya bat ang cool parin niya habang sinasabi niya yun tapos ako di na ako mapakali.

"Friends naman na siguro tayo diba?" lumingon siya saglit saakin at ngumiti then eyes on the road again.

Friends?? Friends lang???

Akala ko babae lang ang nagfrefriend zone pati rin pala ang mga lalaki...

Hindi ko alam pero parang nagkaroon ng mabigat na bagay sa dibdib ko parang nasasaktan ako....

"Hehe parang ang bilis naman di pa nga tayo magkakilala eh friend agad." huuu ayaw mo lang siyang maging friend eh.

"Ganoon ba? Ehem hi! My name is Zech. Zech Chester Torres well I'm studying at DLSU ring a bell? Ahmmm I'm 20 years old, gwapo,mayaman, habulin ng chicks, matalino and single and ready to mingle." ang loko nakangiti pa at tinaas taas pa ang kilay pfftt..

"Ang lakas ng hangin gwabe!!" sabi ko habang nangingiti na rin I think mas okay nga na maging friends lang kami mas kumportable ako sa ganoon.

Tumingin siya saakin na may mga ngiti sa labi "Bakit di ba totoo? Hahhahaha" Tignan mo tong taong to.!

"Di ikaw na tsee!! Okay my name is Aliza Taniega you can call me anything you like, soon to be accountant, 19 years old and taken not available to mingle, maga--."

Ay potek!!

Bigla siyang prumeno kaya nagulat ako napahinto tuloy ako sa sasabihin ko. Tumingin ako sa kanya nagulat pa ako ng makita ko siyang nakakunot ang noo. Anong problema ng taong to?

"May boyfriend kana?" tanong niya na nakakunot parin ang noo.

"Ahmm yeah?"

"I didn't know..." mahina niyang sinabi yun pero narinig ko parin. Yung hitsura niya parang hinayang na hinayang.

"Hahaha oo may BF na ako nasa Korea nga lang pero next year uuwi na siya to have a concert." Sabi ko totoo yun magcoconcert ang lovey dovey ko dito haha.

"Teka nga ininterupt mo ko kanina let me finish first okay? Ayun nga you can call me anything, maganda,matalino sexy, sexy and sexy.." hahaha enebe..

Nagulat ako ng bigla siyang humagalpak ng tawa bweset na lalaking to tinawanan ko ba siya kanina. Hinampas ko siya ng bag na gamit ko.

"Aray tama hahahahah! Aray!!" sabi niya habang hinhampas ko siya. Then bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

Labdub....labdub....

"Sorry na hhahaha natawa lang ako sa pagpapakilala mo sa sarili mo." sabi niya habang may ngiti pa rin sa labi niya. Inirapan ko na lang siya and then binawi ko na yung mga kamay ko na hawak niya, umiwas ako ng tingin kasi baka mahalata niya na namumula yung mukha ko.

"Uyy sorry na." Napakislot ako ng tusukin niya yung tagiliran ko. Malakas
kaya ang kiliti ko doon.

Nung napansin niya na may kiliti ako doon inulit niya ulit yung pagkiliti saakin hanggang sa parang nanghihina na ako dahil sa kiliti na nararamdaman ko.

"Whahahaah tama na uyyy ano ba hahaha!! " halos mamatay na ako kakatawa grabe siya..!! Siguro napansin niya ako na mamamatay na kakatawa at kakakislot kaya tumigil siya ako naman nagbreath in, breath out grabe...

"Okay Ms.Sexy san na anv direksyon natin?" Nung tignan ko siya nakangiti siya saakin ng maluwag at napansin kong nasa Puregold na kami kaya pala nakiliti niya ako kasi nakaparada na kami sa paradahan ng Puregold  hala di ko napansin yun ah...

Paano mo mapapansin eh busy ka kakatawa.? Tanong ng dalahira kong utak.

"Liko ka sa may kanan natin then diretso ulit."

"Copy, Roger" sabi niya pa bago minaobra yung sasakyan palabas ng parking lot.

Ilang minuto na lang ang binyahe namin dahil malapit na lang naman sa PG yung bahay namin pero bago kami makaliko sa may kanto malapit saamin pinatigil ko na yung sasakyan.

"Dito na lang ako. Sige na ingat ka sa pag-uwi huh thanks sa paghatid saakin." Kinuha ko na yung bag ko then bubuksan ko na sana yung pinto ng magtanong siya saakin.

"Bakit dito na bahay niyo wala naman akong nakikitang bahay eh." nakakunot pa ang noo niya.

"A-eh malapit na rin naman okah lang halos kakilala ko na lahat nv tao dito sige na ingat ka. Thanks ulit." nakangiti kong sabi sa kanya binuksan ko na talaga yung pinto.

"Can I call you MINE?" tanong niya na nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Loading..... Loading.... Whhhhaaattt??

Mine as in AKIN??

Bigla siyang tumawa siraulo to ah ginawa na akong clown niya bwetet... Bumaba na ako baka kasi makapatay na ako ng isang anghel na alien eh.
Kumaway pa ako ng maisara ko na yung pinto pagkababa ko. Alam kong nakita niya ako kahit tinted yung sasakyan niya.

Labdub.... Labdub...

Bakit parang nanghinayang pa ako ng di niya totohanin yung sinabi niya?? No Aliza stop it right now or your going to hurt yourself or the worst hurt him..

Can I call you MINE?

Author's Note:
How is it so far??

We read a book before it say "for you to write a beautiful story you need to merge your feelings to your characters story...

ENJOY!!

My Own Made FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon