Hold My Hand

5 0 0
                                    

♡♡♡Chapter 13♡♡♡

I woke up even before my alarm clock rang. I felt cold wind entered in my room. Tumingin muna ako sa kisame bago ako nagdecide na bumangon, I close my window. Nagbihis na ako kasi any minute now alam kong dadating na si Zech. December 24 ngayon nagdesisyon kaming magsimba muna bago kami bumili ng kontribusyon niya daw sa amin. Wala pang kalahating minuto tapos na ako mag-ayos, saktong sakto kasi nagtext siyang malapit na siya. Lumabas ako ng kwarto, naamoy ko na ang pagkaing niluluto ni Mama mamaya maya lang andito na rin ang mga ate ko kasama ang mga pamangkin kong makukulit. Hays!!

Nagmamadali akong pumunta sa may kanto, di ako naghintay ng matagal dahil nakita ko kaagad ang paparating na sasakyan ni Zech. Hindi ko na siya pinababa mabilis akong sumakay sa passenger seat.

"Good morning!" nakangiting bati niya.

"Good morning din." pinaandar na niya ang sasakyan niya, we decided na sa may malapit na church na lang magsimba yung malapit sa bahay nila para makuha din agad namin ang gift na binili namin.

Nang dumating kami sa mass late na kami nasa may part na ng Homily ang naabutan namin pero may vacant seat pa naman sa bandang likod.

After Homily we took the holy bread and kneel to pray.

"Lord salamat sa lahat ng blessings na binigay Niyo kahit yung mga hindi ko deserve binibigay Niyo. Lord pwede po bang manghingi ng favor? Pwede po bang ilayo Niyo siya sa akin kung alam Niyo po na maaari ko siyang saktan. Ayoko po siyang saktan dahil maaaring doble ang sakit na maramdaman ko. Hindi ko po alam amg dahilan kung bakit Niyo po siya pinalapit sa akin pero sana po ang dahilan ay hindi para mapatunayan ko sa sarili ko na isa rin po akong manloloko."

After kong idasal lahat ng gusto ko at humingi ng tawad naupo ako para hintaying matapos na ang misa. Nagulat ako sa paghawak niya sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya pero ng tignan ko siya nakatingin lang siya sa may altar.

Zech....

After ng misa nagtuloy tuloy na kami sa market para makabili na ng pagkain na maaari pa naming idagdag sa handa mamaya. Nakatingin lang ako sa kalsada, tahimik at walang imik.

---Market---

Napagkasunduan namin na barbeque na lang ang iambag namin sa handa mamaya nagtuloy ako sa pork counter para makapamili na ng liempo, si Zech may nakita atang interesanteng bagay kaya lumayo sa akin kanina.

Namimili na ako ng baboy ng lumapit siya sa akin at pinakita ang nakakuha ng atensyon niya kanina. Tumawa ako ng makita ko yung candy bar na may mukha ng EXO.

"Tignan mo Ali oh! Ang cute bibili ako gusto mo?" para siyang timang habang nakatingin sa may candy bar na hawak niya, para siyang bata na nakakita ng ice cream na favorite niya ang flavor.

"Okay hahahaha kumuha ka pa ng marami huh." tumingin siya sa akin at ngumiti. Talagang fanboy na siya huh?

"Bagong kasal ba kayo? Ang sweet niyo naman." napatingin ako sa tinderang nasa likod ng counter na pinipilian ko ng baboy.

Napagkamalan pa kaming mag-asawa. Asawa agad di ba pwedeng magnobyo muna? Nakakalurkey si ate.

"Hin-"

"Opo. Isang buwan pa lang po." aba ang hudas nagsinungaling pa kakagaling lang sa simbahan at ang lintik hinawakan pa ang mga kamay ko. Ngumiti na lang ako kay ate at palihim na siniko si Zech sa tagiliran.

Nabili na namin ang lahat ng kailangan para mamaya at naglagay pa ng excess bagage tong lalaking to bumili ba naman ng benteng piraso ng candy bar kung saan nandoon ang mukha ng EXO eh.

Papunta na kami sa bahay nila. Gusto ko ng tahimik na biyahe pero parang di ko ata makakamit yun nagyon.

"Para kang timang ano bang nginingiti mo diyan? Kaunti na lang talaga para ka ng baliw." simula ng umalis kami sa market ganyan na siya. May drugs kayang halo yung candy?

"Kasi ang cute napagkamalan tayong mag-asawa kanina dapat pala binayaran ko ng sobra si ate kanina."

Napanganga ako sa sinabi niya. Yun lang ang dahilan niya kaya para siyang timang na nakangiti ngayon?

"Para kang timang. At hoy ang lakas ng loob mong magsinungaling kanina kagagaling mo lang sa simbahan."

"Sorry na ang gaan lang kasi sa pakiramdam nung kanina eh. Akalain mo yun asawa agad hahahahaha hindi tayo papasang magnobyo kasi sa mag-asawa tayo bagay."

Di ko na lang siya pinansin. Kung aamin ako sa sarili ko medyo kinilig din ako kanina. Medyo lang? Oo na sobra. Para kasing proud na proud siya kanina ng sabihin niyang mag-asawa kami.

Napapitlag ako ng maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa bibig niya para halikan. That gesture make my stomach's butterflies fly.

"Zech! Ano ka ba?" Sabi ko, babawiin ko na sana ang kamay ko kaso ayaw niyang pakawalan. Heart steady ka lang. Malayo pa tayo sa hospital.

"I just like this feeling Ali para kasing tayo ng dalawa. Parang safe ako sa tabi mo kahit na nakakabading pakinggan pero yun talaga ang nararamdaman ko." tumingin siya sa akin sandali at binalik agad ang atensyon sa daang tinatahak ng sasakyan niya.

"Zech..." napatingin din ako sa kamay naming magkahugpong na nasa may hita niya.

"I know. I know. Gusto ko lang talagang hawakan ang kamay mo. Sabi ko naman maghihintay ako diba?" ngumiti siya pero parang ang lungkot ng mga yun.

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya tinutok ko ang paningin ko sa daan.

Kung alam mo lang Zech. Hindi mo na kailangang maghintay ng matagal kasi simula pa lang na inamin mo sa akin na gusto mo ako inamin ko na rin sa sarili kong mahal nga kita. Pero this is the only way para maiwas at mailayo kita sa akin.

Nakarating kami sa bahay nila, ay mali hindi pala bahay kundi palasyo. Ang laki sobra nagkikita kita pa kaya sila dito?

Inakay niya ako papasok, pagpasok ko pa lang amoy mayaman na. Grabe ganito pala siya kayaman di ko naisip yun ah. Puro mamahalin ang mga gamit na nasa may sala, grand staircase, big and diamond-like chandelier. Mayamang mayaman talaga ang gunggong.

Uupo na sana ako sa mamahaling sofa ng tinawag niya ako. Pinaakyat niya ako. Nagmamadali akong sumunod halos malula ako sa mga nakikita.

Nakarating kami sa isang silid, pumasok siya doon nag-alinlangan pa akong pumasok pero ng makita ko na nandoon ang mga regalo na binili namin at binalot sa mismong Mall na pinagbilhan namin non pumasok na rin ako.

Naalala ko na naman ng bumili kami ng mga pang regalo sa mga pamangkin ko, mama ko at mga ate at kuya ko. Ang usapan namin hati kami sa lahat pero ang naging kontribusyon ko lang ay ang pumili ng magugustuhan ng pamilya ko at siya ang nagbayad lahat ng mga yun. Hanggang ngayon naiinis parin ako sa kanya.

Inabot niya sa akin yung para sa mga pamangkin ko at siya naman ang nagbitbit ng para sa mga matatanda sa pamilya. Nilagay namin iyon sa sasakyan at umalis na rin.

Tulad kanina habang nagda-drive siya hinawakan niya ulit ang kamay ko. Napabuntong hininga na lang ako.

Sana ganito nalang lagi. Pero hanggang nagyon ako parin si Aliza, Si Alizang duwag....

My Own Made FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon