Waiting and Loving Him

9 0 0
                                    

♡♡♡Chapter 15♡♡♡

After 4 years

Aliza's POV

Andito kami sa bahay nila Joyce 2nd birtday kasi ng first son niya. Ang bruha kasi after makagraduate nagpakasal agad sila ng long time boyfriend niya, biniyayaan sila ng isang cute na lalaki. At dahil bestfriends kami, kami din ang ninang ni Axcel at si Zech ay isa sa mga ninong niya.

Zech...

Pinalis ko sa isip ko ang nagbabalik na alaala niya.

"Aliza magsstart na ang party. Come on hindi pwedeng mawala ang manager ng mga clown." natatawang sabi ni Edelen.

Napapailing na lang akong sumunod sa boss. Tsk manager? Banatan ko kaya siya.

Nagsimula na ang party nakakatuwa naman dahil lahat ng pinaghirapan naming ayusing anim ay worth it dahil sa ngiti at saya ng birthday celebrant at ng mga bisita. Tumagal ng halos anim na oras ang party ni Axcel, ayon pagod na pagod na umabot sa puntong nakatulog na habang buhat ni Prince, asawa ni Joyce.

Nagliligpit na kami ng mga ginamit sa party tinulungan na rin namin ang nagcater na ilagay ang mga plates at utensils sa van nila.

Nang matapos kami doon na namin naramdaman ang pagod namin. Hindi na rin bumaba si Prince siguro pagod din kaya natulog na sa tabi ni Axcel.

"Mga bebe di pa tayo tapos." napatingin kaming lima kay Joyce na kakalabas lang ng kitchen.

"Bukas na lang natin ligpitin please Joyce. Pagod na ako, kami." nakapikit na sabi ni Charlene.

"Tsk. Tapos na ang pagliligpit it's time for us to have our own party!" masayang sabi ni Joyce tinaas pa ang hawak na tatlong bote ng tequilla.

Masayang nagsilapitan ang apat kay Joyce at kumuha ng sari-sariling upuan sa harap ng small table sa salas nila Joyce.

"Ayown naman pala eh. Inuman na!" masayang sabi ni Edelen. Sorry guys minsan lang kasi kami uminom kaya pag may pagkakataon eh nilulubos namin.

Nakisali na rin ako dahil totoo lang gusto kong makalimot kahit ngayon lang pag-uwi ko sa bahay.

Sige ikot ng baso namin. After 1 hour naubos na namin ang isang bote at nakalahati na namin ang isang bote. Medyo nahihilo na rin ako at sila Edelen eh tipsy na. Si Charlene na malakas uminom saming anim ay ayun masayang masaya sa mga mukha naming namumula na.

"Buti na lang talaga wala pa akong anak at asawa. Kaya carry ko pang magpakalasing at tumambay magdamag sa ibang bahay. Pero kung yayain na ako ni Sir Elly magpakasal nakow papayag agad ako." sabi ni Angely mukha ngang lasing na siya nagiging madaldal na eh.

"Pero bilib ako dito kay Joyce may asawa't anak na eh nagagawa paring magfeeling dalaga." sabad ni Charlene.

"Nemen. Under kaya sakin si Prince." loka lokang sabi ni Joyce.

Tawanan kami kasi saksi kami kung paano iunder ni Joyce si Prince. Kaso mukhang mahal na mahal ni Prince si Joyce para gawin lahat ang sinasabi at inuutos ni Joyce sa kanya. Napakaswerte ni Joyce.

My Own Made FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon