The First Encounter

17 1 0
                                    

♡♡♡Chapter 2♡♡♡


Shemay again!! Di ko alam kung paano ako makakalabas ng garden na ito whaaaaa~~ naliligaw na ako dapat talaga nakinig ako eh wala pa naman akong load nagising lang ako kasi tumatawag saakin si Angely kaya bumangon na ako kaso tsaka ko lang naalala na nasa ibang school pala kami..
Shemay talaga school nga namin di ko makabisado ang pasikot sikot ito pa kayang malaking school na to na madaming kaekekan.Cha help me please tumawag ka ulit..

Halos lahat na ng santo natawag ko na napatingin ako sa relo ko 5:00 na ng hapon grabe ang tagal ko pa lang natulog kaya pala ang sakit ng likod ko. Biglang umihip ang malakas na hangin napaupo ako kasi ba naman naka school uniform ako so nililipad yung palda ko kahit na wala namang tao syempre automatic na agad ang pagkilos ng katawan ko babae kasi. Nawala na yung hangin kaya tumayo ulit ako then nagsimula ulit akong magdasal at lumingon baka sakaling may mapagtanungan ako.

Natatakot na ako kasi kung tumawag sila ibig sabihin paalis na ang bus whaaaa~~ di ko to alam di ko alam magcommute.. Paano kung magahasa ako dito mga spoiled ang estudyante dito so siguro gumagamit sila ng drugs o di kaya makulong na ako dito panghabambuhay ayoko ayoko.. Nasa ganoon akong pag-iisip ng magring yung phone ko grabe muntik ko ng mahalikan yung phone ko kasi tumatawag ulit sila Cha siguro nagtaka na sila kung bat wala pa ako.

"Cha hello! Sunduin nyo naman ako oh sa tingin ko kasi naliligaw na ako mali hindi pala talagang naliligaw na ako" sabi ko wala sila na lang ang pag-asa ko.

"Asan ka ba huh? Sinundo kita kaso wala ka na dito sa ilalim ng puno pabalik na kami sa bus idescribe mo yung lugar mo para mapuntahan ka namin, hinahanap ka na ni Ma'am Malou lagot kana talaga" Edelen, nasabi ko rin ba sainyo na sya ang nanay sa grupo na nmin nag-aalala lang yan

"Puro puno yung nakikita ko then may mga bench. Sorry na Ed inaantok lang talaga ako sunduin nyo na ako natata---" di ko na naituloy yung sasabihin ko kasi umihip na naman ang malakas na hangin this time nabitawan ko yung phone ko ewan ko kung saan tumapon busy ako sa paghawak sa palda ko while nakaupo at nakatakip sa isang mata yung isang kamay ko napuwing ako nyemas!.

Tapos na wala ng hangin kaso di ako makatayo kasi napuwing ako di ko pa mahanap yung panyo ko Ang sakit ng mata ko nararamdaman ko na yung luha sa mata ko kaso mahapdi talaga eh naman oh pagminamalas ka talaga. Kukusutin ko sana kaso may biglang humawak sa kamay ko matatakot na sana ako kung hindi ko lang napansin yung inaabot nyang panyo saakin.

"Gamitin mo maiimpeksyon yan pag kamay mo ang ginamit mo." sabi nung lalaking nag-abot ng panyo. Inabot ko yun ng di tinitignan yung mabait na taong nasa harap ko naramdaman kong umalis sya sa tabi ko akala ko iniwan na nya ako.

Nung feeling ko natanggal na yung nakapuwing sa mata ko inalis ko na yung takip then nagulat ako kasi may gwapong anghel na nakatingin sakin halatang curious sya sa ginagawa ko kanina duh di pala sya anghel, alien sya alien.. Ngumiti sya saakin..

"Okay ka na ba? " tanong niya habang tinitignan ang mata kong napuwing, alam kong namumula pa iyon.

"A-Eh oo salamat huh ahmmm yung panyo mo madumi nato bayaran ko na lang." shemay ang gwapo talaga nya mas gwapo pa kay Chan-- ay erase erase di pwede may promise ka! Nababaliw nako kinakausap ko sarili ko.

Tinignan nya ako tapos yung panyo sabay kuha sakin nung panyo."Okay lang akina di naman masyadong madumi eh." kinikilig ako promise haha! Nakaupo parin ako sa lapag kaya tumayo ako sabay kuha nung phone ko na nakalapag na sa tabi ko pinasok ko sya sa bulsa. Tumayo din yung guy he pick his phone then he smile again to me.

"Naliligaw kaba kasi dapat nakaalis na yung bus nyo eh."

Bus.... Nakaalis...

"Yung bus namin! Naiwan na ako!" yan kasi inuna pa ang landi kesa sa direksyon pauwi. Biglang tumawa yung lalaking nasa harap ko baliw ata sya.

"Di pa sila umaalis kasi andito ka pa ikaw siguro ang hinihintay nila." sabi nya tantanan mo yung pagngiti ng pagngiti baka marape kita..

"Kuya pwede mo ba akong samahan sa papuntang parking lot nyo naliligaw kasi ako eh."

"Pero may klase pa ako actually malalate na ako," malalate kana pala bat nakikipag kwentuhan ka pa... Eh ikaw maiiwan kana ng bus nakikipagkwentuhan kapa?.

"Hmmm pero pwede ko ituro yung daan nakakasunod ka naman sa direksyon diba?" wahhh anghel ulit sya...

"Opo tanga lang ako sa lugar pero matalino ako sa ibang bagay." natawa sya sa sinabi ko then binigay nya sakin yung direction papunta sa parking lot napatingin pa ako sakanya nung tumalikod na sya tsaka ako nagmamadaling tumakbo.

Pagdating ko sa parking lot nakahinga ako ng maluwag kasi nakita ko andoon pa yung bus kaso nung malapit na ako parang pinagsisihan ko ang lahat kasi andoon si Ma'am Malou nakakunot ang noo at mukha talagang galit.
"Ms. Taniega, the time will not stop for you youre so insensitive not to think that your classmates is waiting for you." naman oh yumuko na lang ako then nagsorry pinaakyat na nya ako sa bus then we left that goddam school. Pagkaupo ko well wala akong katabi ewan pero sa tuwing magtotour kami laging bakante ang silyang katabi ko. Inabutan ako ni Angely ng scarf then she smile ang bait nya no? Parang wlang nangyari pero ang totoo ang dami huu!!

"Aliza pahiram naman ng phone mo groupie tayo!" sabi ni joyce adik sa picture ang batang ire.

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng palda ko then iaabot ko na sana kaso napansin ko na parang may nawawala. Nanlaki yunv mata ko ng mapansin kong wala yung sticker sa likod ng cellphone ko yung sticker ng EXO then hinarap ko yung phone at binuksan mas nagulat ako kasi iba yung wallpaper... Kotse oo mahilig ako sa kotse pero...

Asan na si Chanyeol ko???

Napatili ako.... Tinanong ako nila Joyce pero di ako nakasagot kasi tinignan ako ng masama ni Ma'am Malou. I shut my mouth then the reality hits me..

This is not my iphone 5s.... This is iphone 6+ GHADDDDDD!!!!

My Own Made FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon