1

59.3K 2.1K 831
                                    

CLYDE

Hindi ako maaaring gumalaw. One wrong move, malalaman niya kung nasaan ako. I pointed the arrow to his head and released it, killing him on the spot. 156th manticore killed so far.

Tumalon ako pababa sa puno na kinatatayuan ko kanina. I walked towards the dead manticore not to check kung patay na ba talaga, but to get the arrow that I used. Sayang. With a little cleaning and polishing, pwede ko pa 'tong gamitin ulit. Tumingala ako sa langit. Magdidilim na. Kailangan ko nang magsimulang maglakad pauwi.

Mahigit 40 minutes din ang nilakad ko upang makauwi. Nakahinga na ako nang maluwag nang matanaw ko na ang malaking puno na may kulay pulang mga dahon. I managed to turn it into a treehouse with my bare hands. Who would've thought na kaya kong magtayo ng sarili kong bahay? Oo, hindi ito kasing laki ng nakasanayan kong mga kastilyo but I'm so proud of this small treehouse. Siguro dahil galing ito sa sarili kong pagsisikap.

Pansin kong may malaking basket nanaman sa baba ng puno. Gaya ng araw-araw kong natatanggap, puno ito ng pagkain at inumin. May malinis ding kumot at gamit pang-ligo. I felt heaviness in my heart. Alam ko kung sino ang nagpapadala nito.

I'm always going to be my mom's baby. Hindi pa rin nga ako makapaniwala na simula noong umalis ako at nanirahan dito ay di nila ako pinuntahan upang piliting bumalik. Kahit sila Theo, hindi pa dumadaan dito. I won't blame them. They're grieving as well. Hindi ko sila masisisi kung hindi rin nila ako mapapatawad.

After I ate all the food sent by my mother, humiga na ako. This is what I hated doing ever since that day. Sleeping. When I sleep, I have nightmares. Sometimes about Jude. Sometimes with Sky. Sometimes there's Star. Most of the time, the nightmare's about her. At hindi lang ito mga maiikling panaginip na nandoon siya. It's the whole story. Everything that we did together. Everything that we said to each other from the moment we met hanggang sa nawala siya. It's re-living everything every night. Re-living the pain of losing her after everything. Gabi-gabi pinapaalala sa akin na nagkulang ako, na may nagawa sana ako para hindi nangyari ang mga nangyari.

Huminga ako nang malalim at pumikit na. Here we go again.

ALICE

"Alice?"

Agad kong binuksan ang bintana at tumingin sa baba. Tatlong palapag. Kahit makapal ang snow sa baba, alam kong masakit kung di maayos ang pagkakatalon ko. Napalingon ako sa likod nang marinig kong sinusubukan na niyang buksan ang pinto ng kwarto ko. No!

Hingang malalim. Talon. "Aray!"

Gustohin ko mang indahin ang sakit, hindi ko kaya. I landed on my butt and even though makapal nga ang snow just like how I predicted, masakit pa rin. Ramdam kong dumungaw siya sa bintana at mabilisang umalis upang bumaba papunta sa kung nasaan ako ngayon.

"Sayang," bulong ko. Kung maayos lang sana akong nakababa, makakatakbo ako. Rinig ko na ang mga yapak niya papunta sa akin. Alam ko na agad ang susunod niyang sasabihin.

"Bakit ba ang kulit mo!" He said habang inaalalayan ako sa pagtayo. "Gusto mo ba talaga ako atakihin sa puso? Gusto mo ba talaga ako mapagalitan?"

Umatras ako palayo sa kanya at pinagpag ang aking damit. "Seth, 'wag kang OA. Gusto ko lang naman maglakad sa snow. Hindi ko gets kung bakit bawal akong lumabas."

"Ilang beses ba naming ipapaliwanag sa iyo na hindi ka nga maaaring makita ng ibang tao?" Hinatak niya na ako papasok ulit ng maliit na kastilyong ito.

I rolled my eyes at him. "Seth, nasa gitna tayo ng gubat covered by snow. Sa tagal nating nandito, wala, kahit isa, akong nakitang napadaan dito upang makita ako."

Pinilit niya akong umupo sa malambot na upuan. Ngayon ko lang napansin na binuksan niya na pala ang fireplace. "Kailangan nating mag-ingat. Please, makinig ka nalang. Para ito sa kaligtasan mo."

I looked away. Ito lagi ang script niya. For my safety. For my own good.

How will I know if this is really for my own good? Simula noong nagising ako dito, dalawang taon na ang nakakalipas, wala akong matandaan tungkol sa sarili ko. Paano ako napunta dito? Saanako nanggaling? Sino mga magulang ko?

Wala akong ibang maalala bukod sa pangalan ko. Alice.

Napatingin ako kay Seth nang hawakan niya ang kamay ko. "Ayaw ko lang na saktan ka nila."

Ang unang taong sumalubong sa akin sa lugar na ito ay si Seth. He's a lot of inches taller than me and has the most thoughtful eyes. It looked like we're of the same age. He took care of me. Cooked food for me, cleaned the place for me, and entertained me. Then she visited. She said she was the one who took me here. She said she knows me. Siya ang nagbilin sa akin na hindi ako pwedeng makita ng ibang tao dahil marami raw ang gustong tapusin ang buhay ko. Siya ang nagbawal na lumabas ako rito.

In short, siya ang nagkulong sa akin dito.

"Oo nga pala, may liham na binigay sa akin si Madam. Sabi niya'y basahin ko raw kasama ka," wika ni Seth. Tumayo siya at kinuha ang envelope na nakapatong sa bookshelf. Nakasanayan niya nang tawaging Madam ang babaeng dumadalaw sa amin dito kaya't 'yon na rin ang tawag ko sa babae. Ayon kay Seth, utang niya ang buhay niya sa babaeng 'yon. Niligtas daw siya nito sa kapahamakan noong bata pa lamang siya.

Binuksan niya na ang sobre at tahimik itong binasa. I saw how fast his smile faded. "Impossible."

"Bakit?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot dahil nakatitig pa rin siya sa sulat. "Anong nangyari?"

Marahas niyang inabot sa akin ito. Sulat ito mula kay Madam. Pinaghahanda niya ako dahil makakalabas na raw ako dito. Susunduin daw niya kami bukas at...

"Ano?!" sigaw ko. Tumingin ako kay Seth. Paikot-ikot siya at halatang hindi rin makapaniwala sa nabasa namin.

Makakalabas na ako bukas. Makakalaya na... but with one condition.

I have to get married tomorrow to a guy she will introduce.

"Alice, gusto mo bang tumakas?"

SCARLET 2: ALICE (Emerald Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon