21

35.8K 1.3K 184
                                    

SETH

"Pwede bang hinaan mo ang mga hakbang mo?"

"Well, pasensya na if maingay ako mag-walk ha? I'm wearing heels kasi eh!" Rachelle rolled her eyes at me. Nandito kami inside Middle Castle, hiding under the basement. Bakit nga ba ako napunta sa sitwasyon na ito?

It all started noong annual ball. Narinig ko ang sinabi ni Madam bago umalis sina Clyde. Hindi naman ako papayag na manatili lamang sa bahay knowing na baka may mangyaring masama kay Alice. Kaya sinundan ko sila hanggang sa malaman naming sinasakop na ng South and Middle, hanggang sa pinalibutan na ng mga bampira ang buong kingdom. It's been two days ever since.

Clyde and Alice disappeared at pinapahanap sila ni King Vincent. At least alam kong hindi pa sila nahuhuli. Sapat na sa akin ang assurance na nakatakas silang dalawa. Nalaman kong kinulong nila ang hari at reyna, kasama si Madam. I can't just stand here and let all of these happen. Ngayon ko lang nakita kung gaano kasaya si Alice at nakita ko kung paano siya alagaan ng mga tao dito. Kailangan ko silang iligtas.

That's when I bumped into Rachelle. She's trying to sneak into the castle as well. Kaya heto kami, nagtatago sa basement kung saan located ang tulugan ng mga servant.

"Bakit kasi naisipan mong magsuot ng heels?" inis kong sabi.

"To make me taller, duh!" Hindi ko nalang siya pinansin at akmang aakyat na sana patungo sa taas nang pigilan ako ni Rachelle. "May mga bantay pa above us so dapat tayong mag-wait muna. In a few minutes ipapatawag din naman sila sa assembly hall."

"Paano mo nalaman?"

"I watched them closely for two days. Tuwing ganitong oras, King Vincent calls all his minions for a meeting."

So, we waited. An hour passed at narinig kong pinatawag na nga sila. As soon as mawala sila sa hallway, we went up to the main floor. The assembly hall is on the other side kaya hindi kami pwedeng pumunta doon.

"King Vincent may be evil, pero I'm sure he won't kulong the queen sa dungeons," maarteng sabi ni Rachelle. "Should we check her bedroom?"

We hurriedly ran upstairs. The problem is hindi namin alam kung saan ba mismo ang kwarto ng reyna. Hindi naman kami taga-dito. Kaya dahan-dahan nalang namin sinilip ang bawat kwarto na madaanan namin. Bakit ba ang daming kwarto sa kastilyo na 'to?!

"Seth, look at this," tawag sa akin ni Rachelle. Pumasok siya sa dulong kwarto ng floor na 'to. It looked like an office. Ito siguro ang office ng reyna at mukhang inangkin na rin ito ni King Vincent. There's a long table in the middle of the room kung saan ay may malaking mapa na nakalatag sa gitna.

The map illustrates the whole land. There are the snowy mountains of the North Kingdom at sa baba nito ang center ng lahat, ang Middle Kingdom. Sa kanan ng Middle Kingdom ay ang Light Forest at sa kabilang side naman ang Dark Forest. Sa baba ng Middle Village ang School of Light and miles from there is the Iron City of the South Kingdom. It is also illustrated here the floating city of the West Kingdom and the majestic island of the East Kingdom. May pin na nakatusok sa Middle Kingdom.

"Look at the pin, Seth. Does this map mean balak nilang sakupin lahat?!"

I shrugged. Nakuha ng pansin ko ang mga papeles sa gilid ng mapa. There's an illustration of a ring made of a black gemstone called onyx.

"Is that an onyx ring?" gulat na sabi ni Rachelle.

I nodded and showed the papers to her. "Mukhang hinahanap nila 'tong singsing na 'to. Ano ba 'to?"

"It's the only ring made of onyx. Matagal nang dinestroy ang ring na 'to kasi the ring is made of evil spirits," Rachelle said while pointing at the illustration. "The ring can basically eradicate the whole population."

Ano ba talaga balak ni King Vincent? Sirain ang buong mundo?

"Tara na, bumalik na tayo sa paghahanap. Baka maabutan pa tayo dito." We went back to the hallway and went up to the next floor. We opened each door in this floor until we reach the largest door in this hallway. Ito na siguro 'yon.

Rachelle twisted the doorknob but it's locked. "This must be it. Ito lang naka-lock sa lahat ng doors na binuksan natin eh."

She took a step back and swiftly kicked the door open. Tatanungin ko sana kung saan niya natutunan 'yon pero pinigilan ko ang sarili ko. We went inside and voila! It's the King and Queen.

"Seth!" Madam came rushing and hugged me. "Bakit kayo nandito?"

"To save all you, Professor Thelessa. We need to alis na here before they see us!" Rachelle said.

"Si Clyde? Si Alice?" tanong ni Queen Emerald. "Are they safe?"

"Mukhang nakatakas po sila," I answered. "Tara na po. Kailangan na natin umalis dito bago pa nila tayo makita."

"Anong status sa labas?" tanong ni King Matt. Rachelle gave him a summary of everything that's happening outside the castle.

"Talagang sinakop na nila ang lugar." Biglang lumamig ang paligid. Madalas itong mangyaring tuwing nakakaramdam ng galit si Madam.

"Thelessa, kumalma ka. Let's go." Mauuna na sanang lumabas si King Matt nang mapaatras ito.

"Oh, no..." Rachelle whispered.

King Vincent is here.

SCARLET 2: ALICE (Emerald Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon