3

45.4K 1.7K 1.2K
                                    

CLYDE

Her eyes. I know those eyes.

"Kailangan lang namin ng matutuluyan," sabi nung lalaki. "Maaari ba kaming makituloy kahit ngayong gabi lang?"

Tumingin ako sa babae. Nagtatago na siya sa likod ng lalaki. I can see her eyes clearly. It's violet. Pero hindi ito si Scarlet. This girl has jet-black hair and it flowed over her shoulders. Despite her pale skin, her cheeks are with a tinge of pink. It's probably because they've been walking around the forest.

"Saang kingdom kayo galing?" tanong ko. Nakatutok pa rin sa kanila ang aking pana.

"North," sagot ng lalaki. "Pwede bang ibaba mo na 'yan?"

"I'll check both of you first." Lumapit ako at kinapkapan siya. I have to make sure that they're not threats. Dumadami ang mga bandita na nagtatago dito sa gubat. "Clear. Move."

"Pati siya?" tanong ng lalaki.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? May tinatago ba siya?"

Umiling na lamang ito. The girl surprised me by raising her hands.

"I don't have anything on me." Even her voice sounds feathery. Soft. I took a step closer and patted her shoulders, then her waist and then her thighs. I can hear her deep breaths clearly.

"Just for the night?" I asked the guy. He nodded. I motioned them to follow me. Binuksan ko ang pinto ng treehouse at pinaupo sila.

"Thank you," mahinang sabi ng babae. Kita kong akma niyang bubuksan ang oil lamp na nasa lamesa. "Anong pangalan mo?"

"Clyde," sagot ko. Bumagsak bigla ang hawak niyang oil lamp.

"Alice! Buti hindi mo pa nasisindihan!" sermon ng lalaki. Her hands are shaking. Para bang may nakita siyang multo.

"Are you okay?" tanong ko. She just nodded and sat down.

"I'm Seth," pakilala ng lalaki. "And this is Alice. Gaya ng sabi ko kanina, galing kami sa North. Aalis din kami bukas papuntang Middle. Maraming salamat at pinatuloy mo muna kami dito. May maitutulong ba ako sa gagawin mo?"

"I'm going hunting." I showed him my bow and arrows. "Marunong ka ba?"

"Marunong siya," Alice said. "I will stay here and prepare food. Para pagbalik niyo ay may makakain na kayo."

We all agreed kaya't bumaba na kami ni Seth. Tahimik lang siyang sumunod sa akin. Tanging mga yapak lang namin sa maputik na daan ang naririnig namin.

"Ano nga pala hina-hunt natin?" tanong niya. I heard a faint sound so I signaled him to shut up. Hinatak ko siya para makapagtago sa likod ng isang puno. I hear its footsteps. I peaked while trying to reload my bow.

"A manticore?!" he exclaimed. At the same time, nirelease ko na rin ang arrow at sakto ito sa ulo ng manticore. Nilapitan ko ito upang siguraduhin kung patay na ba talaga ito. 157th manticore killed.

Nilingon ko si Seth. Nakatayo pa rin siya sa gilid ng puno at gulat na gulat sa nangyari. "Ano?"

"A manticore?" ulit niya. "Akala ko ba... akala ko ba naubos na ang Dark Side simula noong... simula two years ago?"

I nodded. "Halos naubos. Halos. May iilang natira. Kaya responsibilidad ko ang ubusin sila."

"Responsibilidad? Bakit? Ano ba ang trabaho mo?"

Hinatak ko ang arrow na nakabaon sa ulo ng manticore. Pinagpag ko ito kaya't tumalsik ang ilang dugo sa lupa. "You really don't know me?"

Umiling siya. Akala ko noong una ay di niya ako nakilala dahil sa sitwasyon kanina. Hindi pala talaga niya ako kilala. "I'm Clyde Emmett Pearson. Prince of the Middle Kingdom."

ALICE

Clyde.

Why did my heart hurt when I heard his name? Why do I feel like crying? And his eyes. He has the same eyes as mine.

Mabilis kong pinatay ang oil lamp nang makarinig ako ng mga yapak sa labas. Dahan-dahan akong sumilip sa siwang ng pinto. May dalawang kawal sa baba. Sa kulay ng suot nilang armor, alam kong hindi sila ang humahabol sa amin kanina. May bitbit silang dalawang basket. Tumingin sila sa pwesto ko kaya't napayuko ako. Anong ginagawa nila dito? What if umakyat sila? Wala sila Seth! Mag-isa lang ako!

Nagbilang ako ng isang segundo. I braised myself for the possible fight that's going to happen 'pag umakyat sila dito. I laughed at myself. Anong fight? I don't have the strength to fight back.

Sumilip ako ulit at nakitang wala na sila. Iniwan nila ang mga basket sa baba. Nilibot ko ang tingin sa labas. Wala na nga talaga sila. Bumaba ako while praying na sana hindi sila nagtatago para hulihin ako. Inangat ko ang table cloth na nakapatong sa nilalaman ng basket. Puno ito ng tinapay, keso, gatas at prutas. The other basket naman has a fresh batch of clothes and blankets.

I've wondered kung paano nabubuhay dito si Clyde. Araw-araw ba siyang hinahatiran ng pagkain dito? Mataas ba ang posisyon niya sa Middle para alagaan siya ng ganito?

"Psst."

Mabilis akong lumingon sa paligid. Sino 'yon?

"Psst."

I looked around again. Wala namang tao.

"Psst! Up here!"

Tumingala ako. I can't believe at what I'm looking at. Above me is a floating... fairy? She has yellow hair and wearing a green dress which looked like it's made of leaves. I think she's only a few inches tall.

"Finally! You heard me!" the fairy said. "Please, can you help me?"

"Sino ka?" tanong ko. She flew a few paces from me and gestured to follow her.

"My name is Tinkerbell. Please, help me free my best friend. He's trapped!"

Nilingon ko ang mga basket na nasa lapag. Hindi naman siguro ako magtatagal. Hindi naman siguro masamang tulungan ko muna sila.

I followed Tinkerbell into the forest. I few paces ay na-reach namin ang isang river. On the other side of the river is a boy inside a wooden cage.

"Peter! Are you okay?" Tinkerbell shouted before looking at me. "Can you help us lift the wooden box to free Peter? It is too heavy for him to lift, even if I sprinkle him with fairy dust."

Fairy dust? What's a fairy dust? Tinignan ko ang kulungan ni Peter. I think I can lift it but how am I gonna cross this river? The current is too strong for me to cross.

"Oh, don't worry about crossing the river. I'll help you," Tinkerbell said. She circled me while gold dusts fell on me. I feel my body getting lighter and lighter until I feel like I'm floating. No. Correction. Lumulutang talaga ako! Ito ba ang sinasabi niyang fairy dust?

I followed her across the river or rather floated over the river. Ang galing!

Pagkalapag ko ay agad kong hinawakan ang wooden cage. Hindi ko maangat ngunit napansin ko na kaya hindi ito maangat ay dahil it's nailed to the ground. Hinatak ko ang nails sa lahat ng corners ng cage and tried to lift the cage. Peter helped me by lifting it from the inside. In no time, nakalaya na siya.

"Thank you! Thank you! Thank you!" sigaw ni Tinkerbell. Peter on the other hand bows his head at me and curtsied. "Thank you, milady. Allow me to introduce myself. I am Peter Pan, and this is my trusted ally, Tinkerbell. I was trapped here by my worst enemy, the great pirate Captain Hook."

Pirate? What's a pirate?

SCARLET 2: ALICE (Emerald Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon