ALICE
The day was like a carbon copy of the day before. And the day before that. Every day is a repetition of all the days before.
I wake up. I get dressed. I eat breakfast.
I walk outside. I eat lunch.
I try to paint. I try to read a book. I eat dinner.
I look out the window. I try to write. Then, I sleep.
And, repeat. I do all of this every day, alone.
It's suffocating. The silence is suffocating. It's sad to see this large home only to house one.
Umalis si Clyde as soon as may matanggap siyang letter from his mother. Hindi man lang niya sinabi sa akin kung anong nangyayari. He just said may gagawin siya.
He didn't even say anything about what happened between me and Rachelle. Not even a single word after that. Ganito ba ang magiging buhay namin? Me staying here and him always leaving?
The morning came again. Pagod na ako ulitin ang araw-araw kong ginagawa. Ganitong-ganito rin ang ginagawa ko noong nakakulong ako sa loob ng isang maliit na kastilyo. At least noon, kasama ko si Seth. May kausap ako.
Tumayo ako and get dressed. Tinawag ko ang footman at sinabing ihanda ang karwahe. Kung ayaw umuwi ni Clyde, ako ang pupunta sa kanya.
Pagsakay ko'y umandar ito agad. Dumaan ang carriage sa village. A few kids ran after the carriage to wave at me kaya naman I waved back. The other villagers called out my name.
'Princess!'
'It's the Princess!'
'Where's the Prince?'
We finally got out of the village. Tumatawid na kami sa drawbridge. Hinahanap ng mga tao si Clyde, so all this time hindi siya napadpad sa village. Kung ganoon, anong ginawa niya during the days na hindi siya nakakauwi? Anong nangyayari sa castle?
The carriage stopped and I immediately got out. Mukhang nagulat ang mga kawal sa pagdating ko. I told them that it's okay, there's no need to assist me.
"Where's the prince?" I asked.
"The queen's office, your highness," they all said in unison. I went inside, straight to the queen's office. Babatiin sana ako ng mga guard outside the office but I stopped them.
Sumilip ako sa loob. Nakaupo si Clyde sa harap ng desk ni Queen Emerald. He looks tired. Mukhang ilang gabi na siyang hindi nakakatulog.
"Padami sila nang padami sa Dark Forest," rinig kong sabi ni Clyde. "Hindi na ako makapasok basta-basta dahil hindi naman na natin pagmamay-ari ang lupang 'yon."
"I know," mahinang sabi ni Queen Emerald. "Pero magtiwala tayo kay Vincent. Pamilya natin sila. Pamilya sila ng ate ko. Pamilya sila ni Jude. Let us trust them na wala silang masamang balak sa atin."
I took a step back. I don't understand. Anong nangyayari sa Dark Forest? Bakit pakiramdam ko nangyayari ang mga ito dahil sa akin?
Dahil ba nasa South na ang Dark Forest?
Umalis na ako agad. Ayokong makita nila ako.
I've done enough headache to them already.
SETH
Nagising ako sa isang madilim na selda. A wave of stench slapped me in the face. Nakakasuka. Ano 'yon?!
Nilibot ko ang tingin sa paligid. May nilalangaw sa dulo ng kulungang ito. Mukhang... buto. Dahan-dahan akong lumapit at tuluyan nang nasuka sa nakita ko. Isang nabubulok na katawan ng tao. Nilalangaw at inu-uod. I can almost see this person's bones. It is obvious na matagal na siyang na bubulok dito.
Tumakbo ako papunta sa rehas at kinalampag ito. "Ilabas niyo ako dito!"
I shouted. I made noise. I shouted again.
Nothing. Nobody came.
Mukhang isa itong underground dungeons. I sat down on the damp ground. Walang makakarinig sa akin dito. Mabubulok ako dito tulad ng bangkay na 'yon. Napatayo ako when I heard footsteps.
Three vampires stood outside the cell. Binuksan nila ito at pumasok. Magsasalita sana ako ngunit bigla nila akong sinikmuraan. Napaluhod ako. Kinaladkad nila ako palabas ng kulungan. Sumasayad ang mga paa ko sa sahig. They carried me hanggang sa taas. Hanggang sa maging pamilyar na sa akin ang paligid. I'm in the South Castle.
Bumukas ang pamilyar na malaking pinto. Nakita ko siya na nakaupo sa trono niya. Sa gitna ng malawak na kwartong ito ay may upuan sa gitna. Inupo nila ako doon at sinimulang itali ang aking mga kamay at paa.
Tumayo siya sa trono niya. Hinubad niya ang itim na gloves na madalas niyang suot. He grabbed me by the jaw. Mahigpit. Una palang, alam ko nang may mali dito kay King Vincent. I do not like discrimination amongst every race in the whole land kaya't hangga't maaari ay ayokong isipin ng masasamang tao ang mga bampira. But King Vincent is different. Isang tingin mo palang sa kanya ay ramdam mo nang may masama itong balak. It is rumored that he loves torturing anyone who disobey his orders.
"Kung gusto mong matapos tayo agad dito, magsalita ka na agad," sabi nito. Pinakita niya ang mahaba niyang mga kuko. Madiin niya itong binaon sa balikat ko causing me to scream. "Tell me all about Alice."
Alice? Bakit? Anong kailangan nila kay Alice?
I screamed. Bumabaon sa balikat ko ang mga kuko niya. Nagdudugo na ito. His nails are as sharp as knives.
"Answer me."
Sinimaan ko siya ng tingin at dinuraan siya sa mukha. He dragged his nails down, creating a deep gash down my arms. Hindi ko na maramdaman ang kanang kamay ko, namamanhid na ito sa sakit.
"I'm going to ask you one last time kung gusto mo ba mabuhay," madiin nitong sabi. He pulled my hair back. "Saan galing si Alice? Bakit siya pinoprotektahan ni Thelessa? Sino ba siya?"
Nagpumiglas ako at kinagat ang kamay niya, making sure that he bleeds. I heard him growl. In an instant, his eyes turned black. There's something wrong. I met a lot of vampires before at alam kong hindi normal nagiging itim ang kanilang mata.
"Maikli lang ang pasensya ko at sinagad mo ito."
He pulled my head to the side.
"An eye for an eye. A bite for a bite."
BINABASA MO ANG
SCARLET 2: ALICE (Emerald Series)
FantasíaIn a snowy castle, far, far away from everyone, lives a girl. Her hair is as dark as the night sky, her skin is as white as snow, and her lips is as red as a rose. But her eyes, her eyes held the same violet-colored eyes. Waking up in a world she do...