2

47.4K 1.8K 550
                                    

ALICE

I feel empty. Para akong lata na walang laman.

I tried to remember. Believe me. For two years, I tried to recall what my life was before I woke up here. I tried painting. I tried running around. Heck, this is why I wanted to go outside. Baka sa aking paglabas dito ay may maalala ako. The thing is, my head is like a blank slate. No matter how hard I try to reach the deepest part of my brain, it's empty. The one thing that I know is I should feel sad.

The first few days when I woke up, I was crying. Non-stop. My heart hurts so much as if the air that I breathe is not enough. Madam had to make me drink a tea to calm me down. Why would I cry that much? Why does my heart weep? What happened to me to forget something that hurts me this much?

"Alice?" Tumingin ako kay Seth. Kita ko ang pagpapanic sa kanyang mga mata. "Naririnig mo ba ako? Tinatanong kita. Gusto mo bang tumakas?"

She wants me to get married. Madam is going to marry me off to someone I don't know. Pero hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung sino ako before all of this. What was my life's purpose? Was it to get married and settle down? Dahil for two years, ang tanging nakakakilala lang sa kung sino ako ay si Madam. I begged her so many times to tell me who I am and she refuses every single time. She just kept saying na responsibilidad niya ang buhay ko... na gagawin niya ang lahat para itama ang mga mali.

"Tsk." Tumakbo paakyat si Seth. After a few minutes ay bumaba siya na may dalang malaking bag. "Tara na. Wala na tayong oras."

"Seth," tawag ko sa kanya. "Paano si Madam?"

"Gusto mo bang magpakasal sa taong di mo naman kilala?"

"Pero desisyon ito ni Madam."

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Eh ikaw? Paano naman ang desisyon mo?"

"She's the only one who knows me! So maybe... maybe she knows this is what's best for me." Umupo ako. Why does my heart hurt again?

"Alice...naiintindihan ko. Pero kasal 'to. Hindi mo ba naiintindihan? Hindi ba dapat ang taong papakasalan mo ay ang taong mahal mo?"

I scoffed. "Poproblemahin ko pa ba 'yan? Ni hindi ko nga kilala sarili ko, Seth."

"Marriage should be about love. It shouldn't be because you owe someone. It should't be because you think it's your responsibility. Gaya ng sabi mo, hindi mo kilala ang sarili mo. All the more reason para hindi matuloy ito." Hinatak niya ako patayo. "Kilalanin mo muna ang sarili mo."

As soon as I stepped out of the small castle, I felt something. I feel... free. We ran as far as we can. Namamanhid na ang mga paa ko sa lamig. Kahit saan ako tumingin ay puro snow.

"Hoy!" Lumingin kami sa likod naming at nakitang hinahabol kami ng mga kawal.

"Bakit? Anong kinalaman ng royal guards dito?" bulong ni Seth. Mas binilisan namin ang aming pagtakbo. The way is uphill, mukhang bundok itong tinakbuhan namin. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Ito ang pinakamalayong takbo ko sa loob ng dalawang taon. Paglingon ko'y paakyat na rin sila.

"Seth, anong gagawin natin? Mahahabol na nila tayo!" sigaw ko. Pinauna ako ni Seth at lahat ng tapakan naming bato ay sinisipa niya pababa causing it to fall on to the guards, giving us the advantage that we needed. We ran and climbed and ran again hanggang sa hindi na namin sila naririnig. I'm starting to feel the scratches from the branches that grazed my skin while running. Sigurado akong mahapdi 'to mamaya.

"Sumuko na yata sila," sambit ni Seth. "Magpahinga na muna siguro tayo dito."

Umupo ako sa lapag. "Akala ko susuko na rin lungs ko," hinihingal kong sabi.

Naglabas siya ng tubig mula sa kanyang bag at binigay ito sa akin. Pagtapos ko uminom ay binuhos niya ito sa maliliit na sugat na natamo ko while running. "Aray!"

"Mas magandang malinis na agad ang sugat para maiwasan ang infection."

I looked at Seth habang nililinis niya ang mga sugat ko. He's always like this... always worried about me. Lahat ng gawin ko, lagi siyang nakaalalay. Sa sitwasyon ko ngayon, he's the closest person to me. He's the only family I have.

Hinaplos ko ang buhok niya. Humaba na ito simula noong unang beses ko siyang nakita. "Thank you."

He raised his eyebrow at me. "Stop acting na parang ngayon ko lang 'to ginawa sayo. Lagi ka kayang nagkakasugat!"

Tumawa lang ako at maya-maya'y nagsimula na kaming maglakad ulit. Hanggang ngayon ay 'di pa rin niya nababanggit kung saan ba kami patungo. Ang sabi lang niya ay the farther, the better. Ilang oras din kaming naglakad. Pababa na ang daan, which means pababa na kami ng bundok. Ilang minuto pa ay ramdam ko ring nababawasan na ang lamig. Sa malayo ay nakikita kong numinipis na ang snow. From this, alam kong we're far enough already.

Ilang lakad mula pagkababa ng bundok ay pansin ko na ang pagbabago ng mga puno. Mas nagiging masukal ang gubat. Sa dami ng mga puno, halos di ko na marinig ang daloy ng hangin.

"Nasaan na tayo?" tanong ko.

"Dark Forest," sagot ni Seth. I've read about this place before. May malaking library sa maliit na castle kung saan ako nagising. Doon ko inubos ang mga oras ko. If I can't go outside, I might as well read about what the outside holds. Ang sabi sa mga nabasa ko, dito raw nagtatago ang mga tinatawag na Dark Side. They use black magic and they're full of evil.

"Hindi tayo ligtas dito," sabi ko habang binibilisan ang paglalakad. The surrounding smells like damp wood after a rainfall. Sa kapal ng gubat, small portions of sunlight lang ang nakakaabot sa loob.

Seth chuckled. "Actually, safe na dito kumpara noon. After the war, almost every creature here died or disappeared."

"War?" I asked. Wala akong nabasa sa mga libro about a war. He nodded and said, "Mahabang kwento. Hindi ito ang tamang lugar para mag-kwentuhan. Tara na."

Bumagal ang aming pag-usad dahil mas mahirap ang daan dito. Makakalabas pa ba kami dito? Even if nasabi na ni Seth na safe na dito, I can't shake the feeling na parang may nasunod sa amin. Tuwing lumilingon ako sa likod wala naman, puro puno lang.

After what feels like forever, nakalabas kami sa isang clearing. Sa gitna nito ay may mataas na puno kung saan may bahay sa tuktok. A treehouse.

Naglakad kami papalapit. Magdidilim na. "Kailangan natin ng matutuluyan," mahinang sabi ni Seth.

"What if this belongs to someone else at magalit siya?" tanong ko.

"Hindi natin malalaman kung di natin aakyatin." Magsisimula na sana siya sa pag-akyat when an arrow whizzed past us and hit the wooden ladder. Nilingon namin kung saan ito galing.

A guy, with glistening, golden hair, aimed his bow and arrow at us. He slowly walked towards us, as if assessing kung threat ba kami or hindi. Pareho naming tinaas ni Seth ang aming mga kamay.

"What do you need? Bakit kayo nandito?" the golden-haired guy asked. The closer he gets, the more I see his features. He has broad shoulders and his aura gives off strong energy. But what stands out the most is his eyes. We have the same eyes.

Violet.

SCARLET 2: ALICE (Emerald Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon