AYA's POV...
Masaya ako na okay na kami ngayon ni Chantelle finally matatahimik na rin ang buhay ko hahaha! ^_^ Wala na kasing mang-aasar sakin sa oras ng trabaho saka napatunayan ko na naman na talagang mabuting tao si Chantelle. Wala kasi akong kaalam alam na tinulungan na naman pala niya ko dahil siya ang sumalo sa shift ko sa Club para sa susunod na linggo. Finals na kasi namin kaya kayod kalabaw na tnaman ako sa school. Bukas na ang last night ko sa Club at pagkatapos nun ay isang linggo muna akong hindi papasok.
Hindi ko na napigil ang sarili kong yakapin si Chantelle nung nalaman ko na tinulungan na naman pala niya ako dahil bukod dun ay ipinagtanggol na naman niya ako sa isang bastos na Customer. Kaya para sakin si Chantelle talaga ang aking Life Saver. Sa kahit ano mang problema sinasalo niya ako at tinutulungan niya yun nga lang minsan siya rin mismo ang problema ko hahaha pero dati pa yun hindi na ngayon.
Maganda ang naging simula ng araw ko mula umaga hanggang hapon nasa bahay lang ako naglilinis sa bahay nagluluto ng pagkain ng pamilya ko at tumutulong kay Nanay sa pagtatahi. Wala kasi akong pasok ngyaon sa Burger joint dahil holiday pero sa Club meron parin kaming pasok may bayad naman kaya sayang din kung hindi ako papasok!
Nagluto muna ako ng hapunan naming Adobo lahat naman ata ng Pilipino Adobo ang pinaka paboritong pagkaing pinoy. Kaya Adobong Baboy ang niluto at yung naman ang specialty ko Hahaha nagdala ko para sa mga kasamahan ko sa trabaho dahil paborito nila ang luto kong Adobo. ^_^
At the Club....
Ako ang pinaka maagap na dumating sa Club kaya wala pa sina BF Kelly at Makoy habang wala pa sila nagpalit muna ako ng uniform at inayos ang mga gamit ko. Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit isa-isa na ring nagdatingan ang mga kasamahan ko sa trabaho.
"GoodEvening AYA! ^_^"-Biglang bati ni Chantelle.
"Ayyyy nanay mo!"-Bigla naman akong nagulat kay Chantelle na bigla nalang nagsalita mula sa likod ko.
"HAHAHAHA! What??? ^_^"-Chantelle.
"Ano ka ba bakit mo ba ko ginugulat."-Sabay mahinang hampas sa braso niya.
"Anong ginugulat eh binati lang naman kita Hahaha! ^_^ Ano okay ka lang ba?"-Paghawak ni Chantelle sa mga kamay ko.
"O_o! Ahhhh....Aaahh Oo naman basta sa susunod wag mo na kong gugulatin ha!"-Sabay higit agad nung mga kamay ko.
"Oh teka bakit parang ang agap mo atang pumasok? ^_^"-Chantelle.
"Huh? Ahh Ehhh baka kasi ma traffic pa ko papunta dito alam mo naman na holidy at lahat ng tao ngayon nasa galaan."-AYA.
"Ahhhh akala ko na miss mo na agad ako Hahaha ^_^"-Chantelle.
"O_o?! Huh! Tumigil ka nga dyn Chantelle nagsisismula ka na naman. -_-"-Feeling naman tong si Chantelle.
"Hahahaha! Oo na po okay na sorry na ikaw naman nagagalit ka agad. ^_^ Edi kung hindi mo ko na mimiss ako mamimiss kita AYA. ^_^"- Sabay smile niya sakin.
"O_o??!....(A few second of silence).....Hay naku Chantelle magtrabaho na nga lang tayo puro ka biro."- Grabe ano bang meron yung smile ng babaeng to parang nakaka hypnotize talaga siya!
"Hindi naman ako nagbibiro eh ma mi-miss talaga kita AYA. ^_^"-Chantelle.
Jusko ano bang nakain ng babae na to at kung makatitig siya sakin akala mo naman gusto na niyang kunin yung kaluluwa ko! Ano ba yan bakit ba ko nakaka ramdam ng pagkailang eh smile at pagtitig lang naman yun. Ano may malisya ba ko??? Hayyyyy kung kelan magkaibigan na kami saka pa ba ko maiilang sa kanya???
BINABASA MO ANG
Watch out for the BARTENDER! ^_^
Roman d'amourIs it LOVE or just LUST??! Does really TRUE LOVE exist and if so??! What are the sacrifices that you can do for it?! Hi there! ^_^ Are you looking for an Exciting and kinda Erotic Story??? Well congratulations cause this is the story for you! Hahah...