sino?

190 8 0
                                    


sino ka nga ba sa buhay ko?

siguro ikaw yung dahilan kung bakit umiba ang ikot ng mundo
siguro ikaw ang dahilan kung bakit ang daming nagbago
siguro ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito
siguro ikaw rin ang dahilan kung bakit ako susuko.

Ngunit wala ka nga palang pakielam

kaya bakit ako maghahangad na maibigay mo sa akin ang kasiyahang aking inaasam-asam
bakit pa ako maghahangad na maging maayos ang lahat?
kung sa iyo pa lang, lahat ng aking ginawa ay hindi pa rin sapat.

kasi sino nga ba ako sa buhay mo?

siguro isang lang naman akong "extra" sa iyo
na kapag gusto mo ng kausap, ako'y lalapitan mo,
kapag ikaw ay nangangailangan ng masasandalan,
ako palagi ang nasa tabi mo.
siguro lahat ng kasiyahan ay naging sakitan
lahat ng kalokohan ay naging wala lang
lahat ng pagdamay ko sayo ay ngayo'y gusto ko na lang lumisan

wala tayo sa pelikula na puro masaya lang
ko'y nasa totoong buhay na kapag gusto ko ng umalis
ako'y hahayaan mo na lang.

Nakatatagong Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon