Tinitiis ang mga hinagpis ng poot ng nakaraan, ng nakalipas at di na kayang balikan.Tinitiis ang mga naiwang marka ng mga ninuno na nakipaglaban para sa ating bayan.
Tiniis ang mga monumento na gawa sa bato at di kayang tibagin na kahit kailan ay di ginusto.
Nagtitiis ako sa pait ng nangyayari ngayon,
tiniis ko ang mga nangyari kahapon-
na nagpababa sa ating pagkatao, sa ating dignidad na iba ang bumuoTayo ay nagtitiis sa sayang na kasaysayan.
Nagtiis at kumontra ang mga manggawa sa namemerwisyong kontraktwalisasyon
Nagtiis ang mga tao na lumuhod sa asin hanggang dumugo para lang mapatunayan ang pananampalataya,
nagtiis ang mga mangingisda para sa hanapbuhay kahit na itinatakwil sila ng kanilang sariling bangka.
nagtiis ang mga magsasaka na magtrabaho kahit sila ay nanlilimos ng bigas
Nagtiis ang mga bilanggo na nakulong sa sariling bansa na walang ligtas
Nagtiis tayo para sa pilipinas
Nagtiis ang mga Pilipino para sa kanilang sariling bayan- na kanila ding pinabayaan.
Kaya patawad dahil hinayaan namin mawala ang mga sakripisyo niyo,
nawala ang ginhawa sa hirap
na dating niyong inalagaan at ipinamana ay ngayon kinokontrol na ng iba.
Patawad dahil hinayaan namin magpaka-alipin, sa sariling lupa namin kami ay binibitin.
Patawad dahil kayo ay nagtitiis lang sa wala.
BINABASA MO ANG
Nakatatagong Mga Tula
PoesíaMga tula na gawa sa letra habang umaagos ang luha nang ika'y nagsalita ako'y tumayo at hinanap ang wala yun pala nakatago ang mga tula. na parang sa iyong pag-ibig na kahit aking hanapin ito'y mawawala pa rin sa tinig at ang bingi ay makakarinig ang...