kung alam ko lang

91 7 1
                                    


kung alam ko lang
na masasaktan nanaman ako
sana napigilan ko pa ang puso ko
na labis na mahalin ka


kung alam ko lang na dadaan ka nung araw na iyon
sana pinalipas ko na lang panahon
at tiniis na hindi ka makita
para hindi pa napunta sa ganito ang sitwasyon.


kung alam ko lang na masasabayan ka sa paglakad
sana pala binagalan ko na lang kahit gaano pa kakupad,
para naman hindi ko na naramdaman itong hinagpis
na kay tagal ko ng tinitiis.


kung alam ko lang na makikita ka paglabas ng pinto
sana ay hinayaan ko na lang itong sarado
dahil nung araw na pumasok ka diyan sa pinto
ay parang hinayaan ko ang sarili ko na masaktan ng ganito.


kung alam ko lang na makikilala kita
sana pala ay yun ang hindi ko ginawa
yun ang sanang iniwasan kong gawin
ngunit huli na ang lahat, at ito ang nangyari sa akin


kung alam ko lang na sasaktan mo ako
sana pinagpatuloy mo pa
dahil ang sakit ng ibinibigay mo ay ang nagpapabuhay sa akin
ang tanging hiling ko lang naman ay manatili ka
ngunit hindi
ikaw ay lumisan at iniwan ako mag-isa


iniwan mo akong sawi

iniwan mo akong iba

iniwan mo akong sugatan

iniwan mo akong hindi ako

iniwan mo ako

iniwan mo ako


ang masakit ay hindi ko magawa ang nagawa mo sa akin
hindi ko magawang iwan ka, tangina. 






Nakatatagong Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon