ano nga ba ang karampatang gawin, sa mga salitang ayaw pang sabihin? paano kita lilisanin kung hindi mo pa nasasabi ang iyong mga habilin.
ang habilin na ito'y ang kailangan upang masimulan na ang pag-iibigan na para bang mistulang lumulutang lang sa hangin. lahat ng pinaghihirapan at kailangan gawin
mahalin mo ako dahil ito ang dapat
ibigay mo sa akin ang lahat hanggat ito'y maging sapat
patawad sa pagiging sakim
ngunit ito ang unang habilin.ang pangalawa, ay walang luha.
walang luha na dadaloy sa akin
o mismo ang tadhana na
ang gagawa ng paraan para tayo'y paghiwalayin.sa pag-ibig ay dapat walang inggit,
pangatlo ito at walang hihigit,
walang hihigit sa pagmamahalan,
tumingin ka sa aking mga mata at kamay ko lang ang iyong hawakan.ang pang-apat ay hindi dapat mababali,
walang dapat makakawasak
dahil ito'y iyo rin namang sinabi,
na isa lang, isang babae lang at ika'y magiging sapat.ang pang-lima ay nakatatak
hindi mabubura at nakatarak.
Iiago mo sa bato at pag nabiyak, magkakaroon ng wakas
ngunit kapag buo, ang pagmamahalan ay wagas.sundin ang mga habilin. kung ako ay gustong makimkin. at kapag ako iyo ng mamahalin, wala ng balikan, wala ng iba pang gagawin.
Ito lang ay,
ako ay mamahalin.
BINABASA MO ANG
Nakatatagong Mga Tula
PoetryMga tula na gawa sa letra habang umaagos ang luha nang ika'y nagsalita ako'y tumayo at hinanap ang wala yun pala nakatago ang mga tula. na parang sa iyong pag-ibig na kahit aking hanapin ito'y mawawala pa rin sa tinig at ang bingi ay makakarinig ang...