akala ko kasi nag-iba na
ang pagtingin mo sa dati mong sinisinta
ngunit nagkamali nanaman ako
dahil siya'y mahal mo pa pala
ako naman itong si tanga
na umasa pa rin,
kahit alam ko na nga
na walang magyayari sa atinnagbigay ka ng motibo
at oo, marami na ring nabago
nagbago na ang nararamdaman ko para sa iyo
at akin na ngang napagtanto
na kaya nang iaalay sa iyo
ang pusong ito
mahal, hindi ko na alam ang gagawin ko
sabihin mo sa akin kung titiglan ko na ito
dahil ang sakit sakit na
ang sakit sakitsa sobrang sakit hindi ko na maramdaman ang pagtawa ko
hindi ko na maramdaman na may tubig na sa mga mata ko
at sa sobrang sakit, may sugat na pala ang pusong ito
at wala na akong kaya pang ibang gawin
kundi mahalin ka pa rin
dahil mahal, ang pag-ibig ko sayo
ay walang katumbas
tila nanghihina ako at nauubusan ng lakas
kapag nakita ka sa labas, ng bahay
sa labas ng bahay kung saan nagsimula ang lahatsa kung paano mo ako unang nakita at unang nabangga
huming ng patawad at ako'y hinawakan
ito ba'y pinlalo mo
na saktan ulit ako
hindi ko alam kung ilan na bakung ilan na
kung ilan
kung ilang sugat na ba ang nasa puso ko
ilang sugat na ba ang nandito nang dahil sayo
hindi ko alam pero parang nagyari na ulit ito
oo nga pala, mahal ko
kahit ilang beses mo akong saktan ikaw pa rin
ikaw pa rin tinintibok nito
hindi ko alam kung anong meron sa puso ko
kung may sakit ba ito, dahil naghahanap ito ng lunas
dahil mahal, ikaw lang lunas sa lahat ng sakit na ito
kabalintuan na ikaw rin ang dahilan kung bakit dumadami ang sugat ditomga kalmot
mga saksak
mga panloloko
mga kasinungalingan
na araw-araw ko pa ring tinatanggap
dahil mahal kita
pero mayadong nang masakit
ayoko na
pero gusto ko paang gulo
ang gulo gulo
kelan ba matatapos ito
sabihin mo na
para tatapusin ko
ay mali--matagal mo na palang tinapos
tinapos mo agad
kaya wag kang mag-alaladahil ngayon ako na
ako na
ako na ang bibitaw
dahil ayoko na
BINABASA MO ANG
Nakatatagong Mga Tula
PoetryMga tula na gawa sa letra habang umaagos ang luha nang ika'y nagsalita ako'y tumayo at hinanap ang wala yun pala nakatago ang mga tula. na parang sa iyong pag-ibig na kahit aking hanapin ito'y mawawala pa rin sa tinig at ang bingi ay makakarinig ang...