Tula 1: KAMUKHA

1.1K 27 1
                                    

Ako ay may inspirasyon
Na nakilala ko lang ngayon
Nagkagusto ako sa kanya
Hindi lang dahil sa gwapo siya

Ang iba'y tinutukso ako
Kung bakit siya ang nagustuhan ko
Ano ba ang pakialam nila
Kung ako ay may naaalala

May nakilala akong lalaki noon
Dahilan para maalala ko siya ngayon
Kaya kayo dyan, huwag niyo akong husgahan
Kung bakit siya ang aking nagustuhan

May kamukha lang naman siya
Na sobrang miss na miss ko na

Dear PoemsWhere stories live. Discover now