Tula 21: Juanito Alfonso

169 2 0
                                    


Sa'yo unang tumibok ang puso ko
Ikaw ang nagdulot ng magkahalong kilig at pagkatuliro
Ang nakakatunaw mong ngiti ang sa aki'y nagpa-ibig
Saya at kalungkutan ang sa puso ko'y hatid

Sa'yo ko natutunan ang pagmamahal na tunay
Na kayang lagpasan ang kahit na anong hirap at lumbay
Ipinakita mong ang puso'y nakapaghihintay
Makasama lang ang taong hinahangad sa buhay

Sa'yo ko nais iparating
Ang mga salitang mula sa aking damdamin
Paalam at salamat sa magandang alaala
Babaunin ko ito at sa puso'y hindi mabubura

Ginoong Juanito, mawala man lahat ng bituin sa kalangitan
Mananatili parin sa iyo ang aking katapatan
Kahit ang buhay mo ay nasa libro,
Mag-iba man ang ihip ng hangin, pagsinta ko'y 'di magbabago

Dear PoemsWhere stories live. Discover now