Tula 5: ULAN (sad story)

650 15 4
                                    

Para kang ulan
Dadating tapos mang-iiwan
Hindi pa ba sapat ang pag-ibig ko
Na ibinigay ko ng buo sa iyo

Bata pa lang ako
Kaibigan na kitang totoo
Nung lumaki tayo
Nagka- gusto ako sa'yo

Isang araw
Humihigop tayo ng sabaw
Bigla kang huminto
At hinarap mo ako

Inamin mo ang iyong nararamdaman
Na ako'y iyong mahal higit pa sa isang kaibigan
Ako ay natulala
Na ako'y mahal mo din pala

Gusto din kita
Nung tayo'y bata pa
Niligawan mo ako
At araw- araw na sinusuyo

Dumating na ang araw
Nung kumakain tayo ng isaw
Tinanong mo ulit sa'kin
At sinabing, "Pwede ka bang maging akin?"

Ngumiti ako
At sinabing, "Oo"
Ako'y iyong niyakap
Na para bang naabot mo na ang ulap

Dumating ang limang taon
Pinapatibay parin tayo ng panginoon
Ngayon ang panglimang anibersaryo natin
May inihanda ako para sa'tin

Isang hugis pusong cake
Na inihanda ko na sa tabi ng lake
Makalipas ang dalawang oras
Akala ko tuloy ika'y naglaslas

Ang tagal mo kasi
Sumapit na lang ang gabi
Natanggap mo kaya
Ang sinabi ko sa text kanina?

Nagligpit na lang ako
Sa pagkain na inihanda ko
Iniisip ko baka may lagnat ka
Kaya hindi ka nakapunta

Pagdating ko sa bahay mo
Biglang tumulo ang mga luha ko
Nakita kasi kita
Na may kahalikang iba

Tinawag ko ng halos pabulong ang pangalan mo
At tumigil kayo sa ginagawa niyo
Bakas sa mga mata mo ang pagkagulat
At ginawa ko kung ano ang dapat

Sinampal ko ang babae ng sobrang lakas
Para naman malaman niya kung gaano siya ka-ahas
Kaya pala hindi ka dumating kanina
Kasi may iba kang kasama

Ngayon palang tinatapos ko na
Kung ano ang meron sa ating dalawa
Hinabol mo ako sa labas
Pero sayo'y wala na akong oras

Ayoko nang makinig sa mga kalokohan mo
Paalam na muna sa iyo



Dear PoemsWhere stories live. Discover now