Tula 18: SULYAP

147 5 0
                                    


Lagi kitang sinusulyapan
Ewan ko ba at hindi ko maintindihan
Minu-minuto akong napapatingin sa'yo
Gulong-gulo na ang isip ko

Isang araw, ako'y nagising
May kung ano dito sa aking damdamin
Doon ko lamang napagtanto
Ako ay may gusto sa'yo

Unti-unti, ng hindi ko namamalayan
Mahal na pala kita, 'yan ang aking nararamdaman
Noon, hindi ko alam kung ba't kita tinitignan
Nalilito ako at hindi ko maintindihan

Pero ngayon, alam ko na
Sa akin pala, ikaw ay mahalaga
Ang tanga ko, hindi ko man lang napansin
Na sa'yo, ako ay may pagtingin

Ngayon, ako sa'yo ay nakasulyap
At sa pagsulyap kong 'yon, para akong nasa ulap
Kasi naman, pagtingin ko, ikaw pala ay nakasulyap din
Hindi ko tuloy mapigilang kiligin

Napasulyap ulit ako sa kanya
At nagulat ako sa aking nakita
Sobrang sakit!
Alam niyo kung bakit?

Kumakaway at nakangiti siya
Akala ko ako ang tinitignan, kinakawayan, at nginingitian niya................................................................. Si bestfriend pala.

Dear PoemsWhere stories live. Discover now