Tula 14: PANAGINIP

263 5 0
                                    

Namimiss ko na talaga SIYA
Sa isip ko, kailanman ay hindi SIYA nawala
Kailan ko kaya ulit SIYA makikita
Kailan ko kaya ulit masasabi sa kanya ang mga salitang, "Mahal Kita"?

Sa mga panaginip ko lagi siyang nagpapakita
Sa mga panaginip ko lagi kaming magkasama
Sa panaginip ko kagabi nandun na naman SIYA
At doon sa panaginip na 'yun kami ay masaya

Nagtataka ba kayo kung sino SIYA?
SIYA lang naman ang lalaking minahal ko ng sobra
SIYA lang ang gusto kong makasama hanggang sa ako'y tumanda
SIYA lang... Wala ng iba

At ito ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya:
Nangako ako noon na ikaw lang ang mamahalin ko
Kaya kahit wala ka na dito ngayon sa tabi ko
Ikaw parin ang mahal ko...
Kaya bumalik ka na
'Wag mo 'kong iwan mag-isa
Kasi kailangan kita

At kahit napaka imposible na makabalik ka pa
Hindi parin ako nawawalan ng pag-asa
Na balang araw, magkikita din tayong dalawa
Sa kabilang buhay tayo ay magsasama...







In the GARDEN of MEMORIES,
In the PALACE of DREAMS,
That's when YOU & I will meet.....
                          
                              -Johnny Depp

Dear PoemsWhere stories live. Discover now