Tula 20: "Supremo" Ace Craige

204 3 0
                                    


Oh, mahal kong Supremo
Sa tuwing naririnig ang pangalan mo,
Tila naghuhugis puso ang mga mata ko
At bumibilis ang tibok nito

Sa pagiging misteryoso mong tao,
Dyan ako na inlove sa'yo
Mga malulupit mong sikreto,
Dahilan ng pagkahulog ng puso ko

Bawat suntok mo sa iba,
How I wish matalo mo sila
Bawat patak ng iyong mga dugo,
Tila nasasaktan ang aking puso

Kakain ka rin kaya ng spinach galing sa akin?
Ako kaya ay proprotektahan at mamahalin mo din?
Ako din kaya ay sexy sa iyong paningin?
At gagawin ang lahat kahit kamatayan para sa akin

Ngunit isang araw ako'y nagising
Sa katagang hindi ka magiging akin
Ang hirap at sakit tanggapin,
Na hindi naman ako si Zein Shion na kaya mong mahalin

Pero mas masakit ang katotohanang ito,
Na hindi ka naman talaga totoo
At hango ka lamang sa isang kwento,
Pero, pwede bang ang nagsulat na lang ng storya ang mahalin ko?

Dear PoemsWhere stories live. Discover now