Tula 15: Me→You→Her

193 3 1
                                    

Tinanong mo ako kung bakit hindi kita pinapansin
Hindi mo ba alam, tao ako at nasasaktan din
Masakit sa tuwing aking iisipin
Na kahit kailan hindi ako magiging sayo at hindi ka magiging akin

Mahal kita pero kaibigan ko ang gusto mo
Wala akong magawa kundi tanggapin at suportahan kayo
Nagkukunwari akong kinikilig at masaya para sa inyo
Pero nadudurog ang puso ko, 'yun ang totoo

Alam ko namang sa akin ay hindi ka magkakagusto
Ang isang tulad ko ay hindi nababagay para sayo
Kailan kaya ako makakahanap ng lalaking magmamahal sa akin
'Yun bang sasabihing:

Kung hindi ka maganda sa paningin ng iba
Huwag kang mag-alala, sa mga mata ko ikaw lang ang DYOSA
Sa isip ko, ikaw lang, wala ng iba
Sa puso ko, ikaw lang ang nag-iisa

Dear PoemsWhere stories live. Discover now