"Allan K?!"
"Oo, classmate ko yan eh. Actually from section C din sya last year. Pero classmate ko na sya nung second year, nag move down sya sa section C nung third year then back to section B ulit this year." magulong paliwanag ni Ara.
Kahit ako naguluhan. Pero iisa pa din ang reaction ko.
"Allan K?!" parang tangang ulit ko.
"Oo nga. Allan K as in Allan Kevin Lim. Bakit ba?" she asked wondering.
"Ah wala. Wala naman." I answered.
"Ang weird mo. Bakit nga? Bat natulala ka?" pangungulit nya pa.
"Wala nga." paiwas kong sagot.
"Hmph bahala ka nga. Sabi mo eh."
"Ahm best." di nakapagpigil na tawag ko sa kanya makalipas ang ilang minutong katahimikan.
"Oh ano?
"Is he gay?" kinakabahang tanong ko.
"What?! Of course not! Whatever gives you that idea?!"
"Eh bakit Allan K tawag mo sa kanya?" I asked again.
"Ah yun ba? Pang asar lang namin yun sa kanya. Kasi nga di ba, Allan Kevin Lim ang name nya, kaya Allan K. Pero Kevin talaga ang nickname nya." she explained to me.
"Straight yan no! At take note, kilabot yan dito sa campus. Madaming nagkaka crush dyan. Girls at beki tinitilian yan. Officer din kasi yan sa CAT. Ikaw lang naman tong walang alam sa mundo, lagi ka kasing nakasubsob sa mga libro mo." nakaingos na paliwanag pa nya.
"Ah. Thank God." I sighed in relief.
Biglang naningkit ang mabibilog na mata ng best friend ko. Tinitigan nya ko ng punong puno ng paghihinala.
"Teka nga, ako'y nakakahalata na sayo. Type mo no?" nakangising tanong nya.
"Hindi ah!" depensa ko agad.
"Weh? Di nga? Bat panay ang tanong mo tungkol sa kanya?"
"Nagtanong lang, type na agad? Di ba pwedeng na curious lang?" kinakabahang pangangatwiran ko.
Mahirap ng matunugan nito ang kakaibang nararamdaman ko.
Katakot takot na pang aasar ang matitikman ko pag nagkataon.
"Uy baka iba na yan ha. Hmm, come to think of it, di ba ganyan mga type mo, pang boy-next-door?" at nagsimula na nga pong manukso.
Inirapan ko na lang sya. "Kesa naman sayo, bad boys ang type." nakangusong sagot ko.
Tumawa na lang sya at ipinagpatuloy na ulit ang pagkain. Pasimple ulit akong tumingin kay Allan K, este Kevin pala.
I blushed when I caught him looking at me.
Ang bruha kong best friend, nakita akong nagblush kaya naman lumingon syang muli kina Kevin. She even waved in greeting at him. Napalingon din tuloy sa min yung kasamang guy ni Kevin.
Kevin smiled and nodded in return. Biglang nagkarera ang puso ko.
What the hell is happening to me?! Bakit ganito? Hindi ko mapigilang pagtakhan ang sarili ko. First time ko to be like this. Kaloka!
Dahit tapos na kaming kumain at three minutes na lang magbe-bell na, we decided to go back to our respective rooms.
Habang naglalakad kami palayo, I could feel his stare at our backs.
Ano ba yan? Biglang nadevelop ang sixth sense ko, ganun? Hay.
Nababaliw na nga ata talaga ako. After four years, nahawa na ko sa best friend ko. Sabi na eh, contagious ang kapraningan nitong si Ara.
The day passed by in a blur. Hindi ko alam kung anong sumpa ang dumapo sa kin. Paulit ulit kong nakikita sa isipan ko ang isang pares ng singkit na singkit at mistulang nakapikit nang mga mata.
This is crazy!!

BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Chinito
JugendliteraturFirst love never dies. True love waits. Para sa mga taong naniniwala sa kapangyarihan ng unang pag-ibig. Can your first love become your one true love?