Kriiinnnggg!!! The sound echoed all over the campus. Lalo kong binilisan ang paglalakad, natataranta na halos ako sa pagmamadali.
I almost ran while holding the straps of my back pack. Bakit ba kasi sa dinami-raming araw na pwede akong late magising, ngayong first day of school pa!
Dahil siguro sa stress kaya ako napuyat, ayan tuloy late na ko!
Pano ba naman kasi this school year, kung kelan senior na ko, saka pa naiba ang section ko!
Nai-stress tuloy akong isipin na iba na yung magiging mga classmates ko. Kung bakit kasi yung third year adviser ko, ni-recommend pa na itaas ang section ko.
Malaki daw kasi ang improvement ng grades ko plus my overall scholastic performance.
Kaya eto from section E to section C ang drama ko.
Kung tutuusin happy na naman ako sa section ko dati. Bukod kasi nasanay na ko sa mga classmates ko, since first year sila na ang kasama ko, mga kwela pa sila. No dull moments during classes talaga.
Ngayon, I'm worried kasi pano kung puro competitive at nerds ang magiging classmates ko? Buti pa yung mga dati kong classmate, very approachable lahat. There was no competition, lahat kami nagtutulungan. We were like brothers and sisters.
In terms of academic standing, okay naman ang section ko dati. Above average na din. 14 sections kasi kami, shifting ang classes. Morning and afternoon shift, so bale 7 sections in the morning, another seven in the afternoon.
Public kasi kaya madaming students kaya naman pag napabilang ka sa morning shift it means above average ang performance mo.
Kilala din kasi tong school namin sa istrikto at mahusay na pagtuturo. In fact marami ang gustong mag-aral dito dahil sa mataas na quality of education, idagdag pa ang mataas na percentage ng mga nakakapasa sa UPCAT. Kumbaga stepping stone on the road to become a scholar ng bayan.
Malapit lang kasi ang school namin sa UP LB. Walking distance lang.
Kaya naman kuntento na ko at ang parents ko kahit section E ako. Nakakainis lang kasi ngayon napakadaming adjustments na kailangan kong harapin sa pag-iiba ng section ko. Di ko maiwasang magmaktol.
Sa wakas narating ko din yung room assignment namin. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala pa din yung adviser namin.
Naupo ako sa vacant chair malapit sa unahan ng classroom. Nako-conscious pa ko nung una pero napansin ko naman na hindi ako pinagtitinginan ng mga new classmates ko.
"Good morning class! Welcome to section C. I'm Ms. Ampong and I will be your adviser and math teacher as well." agad na pagbati sa amin ng adviser namin pagkapasok na pagkapasok nya sa room.
Ipinaliwanag sa min ni Ms. Ampong na maraming students from other sections ang napalipat sa section namin ngayon. Kaya naman she encouraged us to be open and to be friendly to one another.
It was a relief hearing her say that. Ibig sabihin hindi lang ako ang maga-adjust sa new set up na to. Marami kami!
Natapos ang first half ng classes by introduction in front of the class, discussion of the grading system for each subject and reminders by our subject teachers of the school policies and regulatios.
Napalagay na ang loob ko. Mukha namang mababait ang mga new classmate ko. Masaya din silang kausap.
Nung recess na, niyaya ako ng mga bagong classmates ko to join them but I had to refuse. I needed to meet with Ara first.

BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Chinito
Teen FictionFirst love never dies. True love waits. Para sa mga taong naniniwala sa kapangyarihan ng unang pag-ibig. Can your first love become your one true love?