"Na-kakha-tah-wa nah-mahn yan! Hik!" pautal-utal at sinisinok na sabi ko. Hindi ko din mapigilan ang pagtawa kahit wala namang nakakatawa.
Ganito pala ang epekto ng alcohol sa sistema ko. Kahit may kinikimkim akong sakit, hindi ko maiwasang tumawa.
Malalim na ang gabi. Nakapalibot kaming lahat ngayon sa harap ng isang malaking bonfire. Nasa kalagitnaan na ang kasiyahan. Karamihan din ay may tama na ng alak kaya naman maingay na ang kwentuhan, malakas na ang tawanan. Marami na din ang sumasayaw sa saliw ng mga katutubong awitin.
Tuwang tuwa ako sa panonood sa mga kapit-bahay namin habang sumasayaw sila sa mga tradisyunal na tugtugin.
Nasa tabi ko si Caleb ngayon. Unlike me, matino pa sya. Bukod kasi sa mas malakas syang mag-inom kesa sa akin, bihira pa syang tumagay sa umiikot na baso ng espesyal at napakatapang na rice wine.
True to his promise, he remains at my side, guiding me away from the two heart breakers. Kaya naman hindi ako malapitan ni Ara at Kevin. Magsasalita pa lang si Ara, binabara na ni Calembang. Lalapit pa lang si Kevin, hinaharang na ni Caleb.
Ngayon nga, I watch as Ara's expression becomes more and more frustrated. Parang maiiyak na sya sa pambabara sa kanya ni Caleb.
I can't help it, this seems so funny in my alcohol-induced mind. I throw my head back and laugh out loud again. Naihahataw ko pa ang kamay ko sa hita ko sa sobrang pagtawa ko.
Nasa aktong aabutin ko ulit ang basong tagayan namin habang patuloy ang pag bungisngis ko, ng biglang may umagaw nito.
"Enough Jillian. You're drunk. Let's get you home." matigas at galit na sabi ni Kevin.
Tumingala ako sa kanya. Nakatayo na pala sya sa harap ko. Pinilit kong idilat ang namumungay kong mga mata para makita ang mukha nya.
Naniningkit ang mata nya sa galit. His jaw is clenched tight, a vein is throbbing at his temple. Halatang nagpipigil lang sya ng husto.
I look at his eyes. I smile foolishly at him.
"Ohy Mr. Chinitoh, an-dyanh kah pha-lah. Hik! Hin-di ka-shi ki-tah na-kih-tah hik! Teh-ka muh-lat kah bah hoh phi-ket hik!" nabubulol na sabi ko sa kanya habang hindi pa rin tumitigil sa katatawa.
"You're drunk. I'll take you home. Come on, get up!" mariing utos nya habang hinihilang pilit ang kamay ko patayo.
"Ah-yahw. Phar-ty pha-ty pha tah-yoh hik! Sha-shayaw pah koh!" nakangiting sabi ko habang umiiling iling ng paulit-ulit.
"Get up or I swear Jill, I'll carry you home! Wala akong pakialam kung sinong makakakita at kung anong iisipin nila. You're drunk and you need to rest. Let's go." He threatens me.
Wala akong pakialam sa mga sinasabi nya dahil hindi ko na din naman maintindihan. There is a loud buzzing noise in my ears. I feel dizzy, like everything is rotating around me. I can't seem to focus, everything is becoming blurry.
Patuloy na lang akong umiling iling habang nakangiti pa din sa kanya. Napapapikit na ng kusa ang mga mata ko. Ramdam ko na pilit pa rin akong itinatayo ni Kevin. Mahigpit ang kapit nya sa pulsuhan ko.
"Leave her alone! Can't you see ayaw nyang sumama sayo?! I won't let you take her. Take your filthy hands off her!"
Naulinigan ko ang galit na boses ni Caleb.
Naramdaman ko din kung paano pilit nyang hinihila ang braso ko kung saan nakahawak si Kevin."I will take her home even if I have to fight you. Hindi ako mangingiming makipagpatayan para kay Jillian. Let her go. She needs to sleep, she'd had enough!" mahina ngunit madiing sagot ni Kevin.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Chinito
Teen FictionFirst love never dies. True love waits. Para sa mga taong naniniwala sa kapangyarihan ng unang pag-ibig. Can your first love become your one true love?