Ika-Labing Isang Kabanata: My Carrot Man

28 3 0
                                    

I am fast asleep hugging my Snoopy hotdog pillow when I feel something tickles my feet.

I moan then turn on my other side. I try to kick that something away.

But whoever is trying to tickle me awake is simply persistent.

Malamang si Arabella na naman to. Kami lang naman ang magkasama sa kwarto.

I groan when I feel that something on my bare feet again.

"Arabella, isa, kukutusan kita. Lemme sleep. It's Saturday for goodness sake!" papiksing sabi ko sabay gulong padapa sa kama.

Sa dami naman ng pagkakataon na pwedeng istorbohin ang pagtulog ko, ngayon pa. Konti na lang at hahalikan na ko ni Kevin sa panaginip ko.

Nagmamaktol ang puso ko. Konti na lang eh! Konting-konti na lang! Kahit man lang sana sa panaginip malasahan ko ang tamis ng labi nya.

I hear a soft, familiar, masculine laugh. Nanlaki ang mata ko. Bigla akong napabalikwas ng bangon.

Mr. Chinito is standing at the foot of my bed. He's holding a single rooster's feather na malamang ginamit nya sa pangingiliti sa paa ko kanina.

He's giving me a wicked grin. His eyes are dancing in mischief.

I nearly swoon. Kung ganito ba naman ang mamumulatan ko araw-araw, ang ganda ng gising ko lagi!

He laughs again then says, "Rise and shine sleepyhead. I know it's Saturday but we promised Tata Uweng na tutulungan natin sya mag-harvest sa bukid di ba?"

Natapik ko ang noo ko! Oo nga pala. May usapan nga pala kaming apat na tutulong sa pag-haharvest ng mga pananim ngayon.

I checked my Snoopy wristwatch. It's just 4am. Makakahabol pa kami sa bukid. I smile gratefully at Kevin.

Bumaling ako sa kama ni Ara, wala na sya.
Bruhang yon, at talagang hinayaan pa na si Kevin ang manggising sa kin. Pwede namang sya na.

Bumangon na ko.

"Wait lang, maghihilamos lang ako at magbibihis tapos alis na tayo." I tell Kevin while I fix my bed.

I get confused when he doesn't answer. When I turn to him, I see him staring intently at me. What gets me more confused is that he is blushing!

When he sees me looking, he blushes some more. Saka dali-dali syang nagpaalam.

"We'll just wait for you. Nakapagluto na ko ng breakfast natin." saka sya lumabas ng kwarto ng hindi na ulit tumitingin sa kin.

Huh? Anong problema nun? Mukha ba kong bruha kaya natakot sa itsura ko? Malamang gulo-gulo ang buhok ko.

I look at myself in the mirror to check what has made Kevin suddenly run out of the room, when my eyes widen at my reflection!

Right now, I'm wearing my favorite Snoopy  cotton pajamas and a blue tank top. At dahil malamig, nakabakat sa dibdib ko ang hindi naman dapat bumakat kung nagsuot lang sana ako ng bra pagtulog.

Pero nakasanayan ko na talaga to sleep braless. Mas kumportable kasi sa akin.

My cheeks heat at the thought that Kevin just saw what he is not supposed to see at all.

Anak naman ng isang daan at isang dalmatian! Sobrang nakakahiya! Ano pang mukhang ihaharap ko ngayon sa kanya? Parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto at magtalukbong ng kumot hanggang maglaho akong parang bula!

Pero dahil alam kong hinihintay nila ako at nangako kami sa mababait naming kapitbahay na tutulong sa pag-aani ng mga gulay, wala akong nagawa kundi magbihis at mag-ayos ng sarili para makapunta na kami agad sa bukid.

Falling for Mr. ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon