Ika-Sampung Kabanata: Closer You and I

44 1 4
                                    

A week passed by after the momentous return of Kevin in my life. For real.

Hindi na lang sya nag-eexist sa mga panaginip at pantasya ko. Nakasama ko sya, naka-usap, nahawakan ang kamay.

Nangingiti pa din ako pag naaalala ko yung last encounter namin.

Lagi kong tinititigan si Snoopy na binigay nya sa kin. Kulang na nga lang ipa-frame ko din yung kiddie meal box na pinaglagyan ni Snoopy.

Aba, first gift ata sa kin ni Mr. Chinito yun!

I received a text message from Ara yesterday. Magkikita-kita ulit kami ngayon to plan for our next assignment and to also brief Kevin about it.

Hindi nga kasi namin sya napagpaliwanagan last time dahil para-paraan ang bruha na mapag-solo kaming dalawa ni Kevin.

Tapos nawala na din naman sa isip ko since natorete ako sa presensya nya. Idagdag pa ang pang slambook na q and a portion na ginawa nya.

Kaya eto, hindi na naman ako mapakali dahil makikita ko na naman ang 'man of my dreams' ko.

Dadaanan na lang daw ako ni Ian saka namin susunduin si Ara, tapos imi-meet na lang namin si Kevin sa cafe na madalas naming tambayang tatlo.

Mas makakapag-usap kami dun dahil tahimik ang ambience at presko pa. Nasa roof top ba naman kasi. Dun kami madalas gumawa ng action plan at mag-curriculum development.

Syempre dapat handa kami bago kami sumuong sa pagtuturo.

Excited na ko. Maaga akong nagising, nagluto ng breakfast saka naligo at nagbihis.

9 am kasi ang usapan namin na dadaanan ako ni Ian dito sa bahay. For sure maghapon na naman kaming magsusunog ng kilay sa pagpa-plano for our next assignment.

Ganun nga siguro talaga pag guro ka, hindi natatapos ang pag-aaral, hindi tumitigil sa pagtuklas para may maibahagi ka sa mga magiging estudyante mo.

Kasi nga may kasabihan sa field of teaching, you cannot give what you don't have. Paano mo sila imumulat at gagabayang kalabanin ang kamangmangan kung ikaw mismo, walang kakayahan?

O, di ba ang deep? Parang balon lang.

Naiiling na lang ako sa sarili ko. Almost a decade of being with my mental friends, it's not surprising that their craziness is rubbing off on me.

I decide to fiddle with my guitar while waiting for Ian. Nasa loob lang ako ng kwarto ko.

Feeling nasa kanya naman ang titulo ng bahay namin kung umasta yun dito, siguradong susugurin naman ako nun sa kwarto ko pagdating nya.

Maaga pa rin naman, 8:15 pa lang. Baka nga naliligo pa lang yun. Daig pa man din nun ang babae sa tagal pag naligo.

I wear my headphones while playing the guitar. Sinasabayan ko yung song na tumutugtog sa playlist ko.

Hindi na ko nakapagpigil pa dahil paborito ko din yung kanta, I softly sing along while strumming my guitar.

Ikaw by Yeng Constantino

"Ikaw

Ang pag-ibig na hinintay,

Puso ay nalumbay

Ng kaytagal

Ngunit ngayo'y

Nandito na ikaw,

Ikaw,

Ang pag-ibig na binigay

Sa akin ng Maykapal

Biyaya ka

Falling for Mr. ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon