"Baliw, baliw, baliw
Nababaliw na ako
Sa iyo
Puso'y litong-lito,
Naloloka, nahihibang
Sa kaiisip sayo.
Lagi na lang nangangamba,
(Nangangamba)Puso'y puno ng pagdududa.
Nababaliw na ako sa iyo
Puso'y litong lito.
Naloloka, nahihibang
Sa kaiisip sayo...."
Parang tanga lang kaming kumakanta ng pahiyaw habang kasalukuyang bumabyahe pabalik sa bahay na tinutuluyan namin.
Siksikan at magkakatabi kami ni Ian at Caleb sa harap ng truck na hiniram namin kay Tata Uweng.
Oo, kasama namin si Caleb ngayon. Actually sinundo namin sya ni Ian sa bayan kanina. Hindi pa alam ni Ara, kasi gusto ni Caleb na surpresahin ang bruha.
Buti na lang may naligaw na signal sa cellphone ko, nung umakyat ako sa tuktok ng rice terraces, para tumalon sana dahil sa kahihiyan ko sa nakita sa kin ni Kevin at sa natuklasan nya sa phone ko, kaya na-contact nya ko.
Syempre char lang yun. Ang totoo bago pa lang kami umakyat ng Benguet nai-email na sa kin ng loko ang date ng dating nya from Canada, kaya napag-usapan na namin na susunduin sya sa Baguio three days after he arrives. Walang kamuwang-muwang ang bestfriend ko. Gusto nga kasi syang windangin ni Calembang.
Buti na lang napatapat ang pagpunta nya sa araw ng kasiyahang hinanda nina Tata Uweng. Nagkaron kami ni Ian ng excuse para hiramin ang truck para bumaba sa bayan. Kunwari nag-volunteer kami na mamili ng iba pang kakailanganin sa gaganaping salu-salo mamaya.
Dapat nga si Kevin ang isasama ko kaya lang napakiusapan daw sya nina Tata Uweng. May ipinagagawa daw sa kanyang importante. Kaya kahit sya walang kamalay-malay sa pagdating ni Caleb.
Okay naman kami. At first I feel uneasy whenever he is around, because of that stolen kiss, stolen photo fiasco. Pero nakita ko naman na ganun pa din ang pakikitungo nya sa kin. Sweet pa din sya. Kaya ipinagkibit-balikat ko na lang din ang nangyari. Dapat pa nga mag-thank you ako sa kanya kasi natupad ang panaginip kong sya ang maging first kiss ko.
At ngayon nga, para kaming timang na tatlo nina Ian at Caleb. Halos mapatid na ang litid namin sa leeg sa pagbirit namin kasabay ng kantang tumutugtog sa loob ng truck.
Prente akong nakaupo katabi ang pinto sa passenger's side habang nasa gitna si Caleb at nakaakbay sa kin.
Na-miss ko din talaga etong twin dork ko. Almost two years din syang nawala.
At ease na din naman si Caleb kay Ian kasi matagal na din silang magkakilala, bago pa lang umalis si Calembang papuntang Canada, nakakasama na namin sya sa mga assignment namin.
Hindi bilang ALS teacher din na katulad ni Kevin. Wala lang, trip lang nyang sumabit sa mga pinupuntahan namin. Professional photographer na kasi ang mokong. At forte nya ang subject na nature at sceneries. Kaya naman lagi syang nakabuntot sa min, kasi gusto nyang maka-discover ng mga unspoiled wonders of nature, na madalas matagpuan sa mga liblib na lugar na pinupuntahan namin.
Kaya nga sya nagpunta ng Canada dahil naimbitahan sya to join a prestigious exhibit. Nagtagal sya dun kasi sumali din sya sa isang worldwide photo journ contest.
After half an hour more ng kabaliwan kasama ang dalawang kolokoy, narating na din namin ang tinutuluyan naming bahay. We decide na ako na lang ang dadaan dito, ibinaba lang ako nung dalawa bago sila dumeretso kina Tata Uweng para dalhin yung mga pinamili namin kanina.

BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Chinito
Teen FictionFirst love never dies. True love waits. Para sa mga taong naniniwala sa kapangyarihan ng unang pag-ibig. Can your first love become your one true love?