Chapter 1- First day of School

1.1K 7 0
                                    

Chapter  1- First day of School

GOOD MORNINGGGGGGG! ahhh, ganda ng gising ko. excited na ako. first day of school kasi ngayon eh. anong oras na ba? 

6:03am

HALA SHOOT! LATE NA AKOOOO >___< 

nagmadali na akong maligo at mag ayos ng sarili ko. hay, 6:26am. tamang tama, sakto! makababa nga..

"GOOD MORNING! wow sarap naman nyan!" kahit fried egg at bacon lang yan, masarap na yan. gutom ako eh, bakit ba. >w<

"oh anak, good morning. halika na at kumain ka na. malelate ka pa nyan." mama ko nga pala, si mommy Min Bernardo. ^^

"oo nga po ma eh, late ako nagising. buti na lang mabilis akong natapos ngayon."

"sus, lagi ka namang ganyan eh." kuya ko nga pala, si kuya neil! joker yan lul.

"eeeeehh" *nomnomnom* 

"takaw" >.<

"bleeeehhh" >:PPP

"o siya siya, bilisan niyo na dyan at malelate pa kayo nyan. kukulit niyo talagang magkapatid!"

"MA! una na po kame! nandyan na yung sundo namin sa labas. labyu babayooo!" sabay kiss kay mama :3

SCHOOL


Ay! oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Kathryn Chandria Manuel Bernardo. Kath na lang hehe. ^^ 16 years old ako, single, at senior na ako. mabait ako sa mga taong mababait sakin. mataray daw ako, minsan. cute rin daw ako sabi nila. average student lang ako, nasa top din naman. nagkaroon na ako ng boyfriend dati.. secret relationship lang to our parents. oo, di nila alam. nagtagal kami ng 8 months pero it seems like years na kame. sobrang close talaga namin. siya si Danie---

"AY PWET NG KABAYO!" oooppss..

aruuuuuu jusko po, sarap batukan nitong best friend ko eh. manggulat ba naman >.<

"ASAN?! ASAN?!" ay wow. si Julia Montes nga pala, best friend ko. mabait, maganda, sweet, loving, at parang sister ko na rin! bigo rin yan sa pag-ibig. hahaha. ok ansama ko

*PAK* 

"ARAY TEH MASAKIT. nagbibiro lang eh. ito talaga. namiss kita bessssss!" sabay yakap ng mahigpit sakin. di ako makahinga uy!

"pak-aw-a-lan m-o ak-o! di ako makahinga oy! di kita na miss che, dun ka!" pero syempre joke lang yun >:)

"ah ganun.. sige.. dun na lang ako sa iba.. maghahanap na lang ako ng ibang best friend.." sabay walk out. ABA!

"HOY BABAE! LIKA NGA DITO! NAMISS DIN KITAAAAAA!" tumakbo na ako papunta sakanya. may balak atang mangiwan eh. lul

CLASSROOM

"uy bes, musta ka na?" alam ko naman yung ibig sabihin nito eh.. tungkol dun sa ex ko.

"okay naman! bakit ganyan mukha mo hahaha laughtrip ka bes!" 

"sus ewan ko sayo. kung alam mo lang.."

anu daw? di ko narinig yung huling sinabi niya eh.

"bes, nakita mo ba siya? si ano.."

"ah hindi, bakit mo naman hinahanap?" 

"wala lang.." ngiti na lang.

ayan, nandyan na yung adviser namin. 

"Good morning class, how's your vacation?" tanong ng teacher. 

hindi mabuti mam, heart broken po kasi ako. sabi ko sa isipan ko. 

"okay class, take your books and open it to page 56.." 

ano ba yan, first day na first day, lecture agad agad. 

LUNCH

"uy teka lang ah, kuha lang ako ng pera sa bag ko" bibili ako ng FOOOOOD! yay!

"sige, bilisan mo ah. baka maubusan tayo. punta na ako ah." oo, madami kasing bumibili. >.<

lumabas na rin ako ng classroom at pumunta na sa canteen ng may nakasalubong ako..

si Daniel..

yung ex ko. </3

miss ko na siya.. pero ni isang 'hi' o 'hello' man lang, wala akong natanggap. naalala ko nanaman yung mga nangyari nung gabing yun.. yung gabing nakipaghiwalay ako sakanya.

"BREAK NA TAYO"

"BREAK NA TAYO"

"BREAK NA TAYO"

paulit ulit yan sa utak ko. nakaramdam ulit ako ng sakit. pero simula nung nag break kame, naging bitter ako. faking smiles, fake words, fake moves. lahat ng pinapakita ko sa mga kaibigan ko tuwing pinapaalala nila sakin si Daniel.. at oo, mahirap magpanggap lalo na't kung mahal mo pa siya..

-----


VOTE, COMMENT, AND BE A FAN

Be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon