12

1.3K 36 2
                                    

"I'mma....I'm gonna...I'm just..." utal na sambit ni Emil habang tila namamawis ang noo. "I mean, I'm going to..." he seemed like he was groping for words as he tried to put distance between us. "Are you hungry, baby?" he finally asked.

Napansin kong hawak niya ang wrists ko ng mahigpit at tila ba napapaso siya sa tuwing nilalapit ko ang sarili ko sa kanya. I would have felt offended by his reaction, but I just thought that... perhaps he was shy.

"Are you still a virgin?" I asked incredulously.

"What? Why?" he asked perplexed.

"Because your acting like one." I answered annoyed, but then, I asked myself too.

Am I? Napakagat labi ako, at alam kong namula ako. "Am I... still a virgin?"

He searched my eyes with his own beautiful ones na para bang tumatagos ito sa aking kaibuturan.

"Wha- why are you asking such question?" he asked raking his fingers thru his hair. It seemed as if he wasnt sure what to do or answer.

"Answer me." I calmly demanded. "Are you?" I asked. "If you don't answer me now, I'm going to discover it my own. I may have amnesia, but I can find out."

"Tumigil ka, Kut--- Kristina!" Banta niya. "I'm not, okay?" inis niyang sagot, at aalis na, pero pinigilan ko siya. Inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya.

"Ganun naman pala eh! Eh ako? Virgin pa ba ako?"

"Bakit mo pa ba tinatanong eh mag-asawa na tayo." Nakakunot noo niyang iwas sa akin.

"Dahil hindi mo ko ginagalaw!" I said bluntly.

Napatigil si Emil. Parang pinagpapawisan siya ng butil butil at mabilis ang paghinga. Kinakabahan ba siya? Natatawa ako sa hitsura niya. He looked adorable! So adorable I wanted to kiss him. Masuyo akong lumapit sa kanya, at hahalik na dapat sa kanyang labi, nang umatras siya. "Kain muna tayo, baby." Aniya sabay iwas at lakad papunta sa pinto.

Dahil sa pag-iwas niya ay napasubsob ako sa kama. Hindi ako kaagad nakakibo dahil nagulat din ako sa pag-iwas niya.

"Mago-order lang ako ng dinner." Bahagya siyang lumapit sa akin, pero nang humarap na ako sa kanya mula sa kama ay napaatras na naman siya, at tuluyan nang lumabas ng kuwarto. Hindi ako kaagad bumangon ng kama dahil pinilit kong iproseso sa isip ko kung ano ang nangyari. Bakit pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako?

It's either he's not interested in me, or he has another woman. Naisip ko, pero pilit kong binabago ang aking pag-iisip.

"Siguro pinipigil lang niya ang kanyang sarili dahil mahina pa ako..." kumbinsi ko sa sarili. "Tama. Yun ang totoo."

Makailang minuto pa at may kumatok. Sumilip ako sa labas ng bintana at nakitang may lalaking may dalang tray ng pagkain.

"Order for Mrs. Madrigal po?" sabi ng lalaking naka-Hawaiian polo, Khaki shorts, at spadril. I assumed that the man was from the restaurant.

"Kanino galing yan?" taka kong tanong. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit umorder si Emil ng pagkain, at pinahatid pa sa waiter, samantalang puwede naman dalin niya mismo sa cottage, at sabay kaming kumain.

"Kay Mr. Emil Madrigal po, Ma'am." Sagot ng lalaki.

Sa pagsabi ng waiter kung kanino galing ang pagkain ay binuksan ko na ang pinto. Tinanggap ko ang nasa tray ng isang kamay, at sinara ang pinto. Inilapag ko ito sa lamesa at binuksan ang cover. May assorted na seafoods sa isang lamesa, at isang rice, soda in can, soup, at salad for dessert na good for one person only. It was obvious that it was just for me. Hindi kakain si Emil na kasama ko. Clearly, he was trying to avoid me. Nakaramdam ako ng pingot sa puso. Masakit kapag iniiwasan ka pala ng asawa. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya umiiwas sa akin.

To Have & To Hold (Completed/ Published in Dreame app)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon