36

1.9K 49 7
                                    


Napasilip ako sa bintana at napansin sa may hardin na nakikipag-usap si Utt sa kanyang lolo, nang magitla ako sa kamay na humawak sa aking braso.

I turned to see Celine. I instinctively placed my hands around my stomach to protect it.

"Don't you know how to knock?" pataray kong tanong kay Celine.

"The door was open." She sweetly smiled at me as if we didn't fight the other night.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya at umalis sa tabi ng malaking bintana. Mahirap na. Baka pag hindi ako nakapagpigil at makipagsapakan ako sa babaeng ito ay maitulak pa ako nito sa bintana. Tinungo ko na lang ang kama at ipinagpatuloy ang pagtitiklop ko ng damit.

"Alam mo ba ang pinaguusapan nila sa baba?" she casually asked from behind like a devil that she was.

Hindi ako nagsalita. Nagpatuloy lang ako sa pagtitiklop ng mga damit.

"Puwes, sasabihin ko sa'yo para naman magkaroon ka ng kaunting hiya." Aniya. "Alam mo ba na gusto nang makipaghiwalay ni Utt sa'yo? Pero hindi ka pa niya maiwan dahil buntis ka, at wala kang kakayahan na suportahan ang sarili mo."

Sinabi talaga ni Utt iyon? Napaisip ako at napatigil sa ginagawa ko.

"Hindi totoo yan!" Pagkontra ko at humarap sa kaniya. "Nag-iimbento ka lang dahil gusto mo kaming paghiwalayin ni Utt." Mataray kong sagot sa kanya.

"Well, I didn't have to make such an effort." Nakangiti niyang sabi. "Dahil ikaw na ang gumawa ng paraan para makipaghiwalay siya sa'yo."

"Sinungaling!" Nanggigil kong sambit.

"I'm saying the truth. Utt told me." She said with confidence. "He confided in me. Sinabi niya sa akin na sawang sawa na siya sa pang-aaway mo sa kaniya at ang lahat ng pagpapahirap na ginagawa mo sa kaniya. Sinabi niya sa akin na pagod na pagod siya galing bukid tapos pagdating niya dito, ayaw mo siyang patulugin. Gusto mo matulog siyang nakamulat ang kanyang mga mata, at sinasaktan mo siya. Kinakagat mo ang braso niya. Tinotorture mo siya. And it all made sense to him nang sinabi mong may mahal kang iba." She accusingly said. "How could you! Ginagamit mo lang si Utt! Palibhasa wala kang pang suporta sa sarili mo. Sabi ko nga kay Utt, bigyan ka na lang ng pera at hiwalayan ka na. At alam mo ba ang sinabi niya? He said he will!"

"Gusto mong paduguin ko yang bibig mo?" irita kong sabi habang nagdudurugo ang aking puso sa mga sinabi ni Utt kay Celine.

Ang sakit naman non! May katotohanan naman ang lahat ng sinabi ni Celine, pero ang hindi ko matanggap ay kay Celine nag-confide si Utt! Ano? Close na sila ngayon? Best of friends? Pakshit silang dalawa!

"Bakit ka sa'ken nagagalit? Actually sinasabi ko sa'yo ito para hindi ka magulat bandang huli dahil hindi masabi ni Utt sa'yo na ayaw na niya. Pinagbibigyan ka lang niya dahil dala mo ang kaniyang anak. I'm actually helping you to prepare for the inevitable. Pagkatapos mong manganak, kukunin niya ang anak mo at makikipaghiwalay siya sa'yo. I could just imagine, while you're in the hospital bed, and you would wake up without your baby by your side." Sabi pa niya. "Kaya kung ako sa'yo, paghahandaan ko na iyon." Sabi pa nito at saka tumalikod.

Ako naman ay napaupo sa kama at nanlalamig ang mga kamay ko.

Kailangan kong makausap si Utt. Kailangan kong klaruhin sa kaniya ang mga nangyari.

Muli akong sumilip sa bintana at nakaalis na pala siya. Hinintay ko siyang dumating, ngunit maghahapon na nang bumalik siya sa mansion. Inintay ko siyang pumasok sa aming kuwarto, at nang bumukas ang pintuan ay agad akong tumayo.

To Have & To Hold (Completed/ Published in Dreame app)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon