TNL:CHAPTER 12

11 0 0
                                    

Hellooow~~ guys ^_^ enjoy reading and sorry sa mga wtong typos and grammar , intindi na lang po ako , kamsa ^_^

~~~~~~~

AYESHA'S POV

nakatitig lang ako ngayon sa lutang na katabi ko -.- anyare ba dito ? Napansin ko lang kasi mula kanina hanggang ngayon eh tulala pa rin tong bestfriend ko , naengkanto ba to or what ? Dati naman pag ka oras ng klase daldal lang sya ng daldal sakin halos wala na nga kong maintindihan sa sinasabi ng teacher eh kasi boses na lang nya yung naririnig ko.

Pumitik ako sa harap nya , agad naman syang nagulat , tumingin agad sya sakin na nanlalaki yung mata.

"Bakit best ?"

Parang wala sa sarili na sabi nya , yung totoo daig pa nito yung narape ng sampung lalaki ah ,

"Best lutang ka dyan ? Haler ! Earth to best earth , san ka na ba nakarating ha ?"

Agad naman syang napa hawak sa mukha nya na parang problemadong problemado talaga .

"Sorry best , di ko kasi maiwasang isipin yung nangyari sakin sa cafeteria kanina eh"

"Bakit ? Ano nga ba yung nangyari best ?"

Tumingin sya sakin na parang gusto nya ng maiyak ngayon.

"Kasi si jay best binasted agad ako , di pa naman ako nanliligaw , diba ang saklap nun ?"

Napakunot naman yung noo ko sa sinabi nya , baliw na yata tong babae nato eh ,

"Muret kaba best ? Kababae mong tao ikaw pa nanliligaw ? Gusto mong maupakan ?"

Pasigaw na bulong na sabi ko , nandito kasi yung teacher namin eh baka mapagalitan pa ko pag sumigaw ako ng malakas

"Eh best , super crush ko nga eh , tsaka uso naman yun ngayon diba ? Yung girl na nanliligaw hindi na boy"

Binatukan ko nga sya , muntik na ngang sumubsob sa desk eh , agad nmn syang napatingin sakin

"Para san yung batok na yun best ?"

"Para sa kahibangan mo best ! Gaga ka talagang babae ka , ano na lang iisipin ng iba pag nalamn nila yan ha ?"

Agad naman syang nag pout , bakit kaya sya nakikiuso , para lang naman yun sa mga babaeng wala ng kahihiyan sa sarili nila diba ? Kasi kung may natitira ka pang pride para sa sarili mo , kahit na super crush mo pa yung isang tao hindi ikaw yung mag papakita ng motibo , diba tama naman ako ?

"Eh best , wala na nga eh basted na ko diba ?"

"Basta next time best wag mo ng uulitin yon ha ?"

Napatango tango naman sya agad bilang sagot , ngumiti lang ako .

"Concern lang ako sayo best"

"Salamat ha best"

Tumango lang ako sakanya , tapos ayun back to normal na kami daldal dito , daldal dun , haha para ngang di kami nauubusan ng ikukwento eh .

"Sino nga pala kasabay mong umuwi mamaya best ?"

Napaisip ako sa tanong nya , sino nga ba ? Pag naman sumabay ako sa mayabang na xyber na yun baka kung ano pa yung isipin .

"Wala , mag lalakad lang ako mag isa best , malapit malapit naman house namin dito eh"

"Gusto mo best sumabay kana samin ni kuya ? Naka kotse naman eh , para di kana mapagod mag lakad"

"Ayoko nga best , nakakahiya sa kuya mo , kaya ko naman eh"

Tumingin naman sya sakin ng masama .

"Best ano kaba naman , ngayon kapa nahiya , ayus lang yan , sige na sumabay kana samin please ?"

Pinagdikit na yung dalawang palad nya ,

"Oh sige na nga best pero ngayon lang to ha ?"

Mabilis pa sa kabayo na tumango sya , hay nako bakit bako nag karoon ng bestfriend na makulit na kagaya neto ?

"Tara na best ! Recess na , libre mo ko ha ?"

Hinila nya ko palabas ng room , muntik pa nga kaming madapa dahil sa pag mamadali neto .

"Best gusto ko ice cream , burger and coke"

"Oo na best , takaw mo neh"

Napalingon ako sa harapan namin , nanlaki yung mata ko nung makita ko sila xyber , medyo malayo pa naman sila pero parang ako yung pinag uusapan ng mga ugok.

"Best tago mo ko , bilis"

Nag tago ako sa likod ni reizy habang nag lalakad kami

"Why best ? Sino pinag tataguan mo ?"

Tumanaw tanaw ako sa harap habang nag tatago sa likod nito .

"Basta best ! Itago mo na lang ako"

Naka harang lang sya sakin hanggang sa makalagpas kami sa apat na yon , nung makalagpas na nakahinga na ko ng maluwag .

"Yung boyfriend mo yung pinagtataguan mo noh ?"

Pinunasan ko muna yung pawis ko bago ako tumango sakanya , napailing iling na lang sya , napakamot naman ako sa ulo ko .

"Eh sa ayaw ko syang kasama eh , bakit ba ?!"

"Sabi mo eh , tara na nga lang order na tayo"

"Sige"

~~~~~
READ/SUPPORT/SHARE.

The Nerdy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon