AYESHA'S POV
"Bess punta na muna ko sa room ha? Di ko gusto yung hangin dito eh"
Tumango lang ako kay reizy, sinamahan naman sya ng kuya nya, concern din pala yung razeson na yun sa kapatid nya noh? Haha todo makapag alala kanina eh, akala ko dati wala syang pakealam kay bess.
"Jay order mo nga kami ng pagkain, kahit ano basta masarap ha"
Utos ni xyber kay jay, si jay naman parang wala lang narinig, haha poker face pa din, bat kaya ganto tung lalaki na to, parang sinumpa ng langit at lupa wala man lang kareareaksyon, pero pogi pa rin naman sya eh di na ko mag tataka kung bakit sya nagustuhan ng bestfriend ko, gulat kayo noh? Di naman ako manhid para hindi ko yun maramdaman kanina.
"Oy jay! Bingi kaba?"
Hinampas ni xyber si jay sa balikat, si jay naman tumingin sakanya ng masama.
"Lumpo kaba?"
Sabi ni jay kay xyber, kumunot naman tung noo ni yabang.
"Hindi"
Simpleng sagot ni xyber.
"Oh hindi naman pala eh, edi umorder ka mag isa mu don! May paa ka diba?"
Whahahahah XD muntik na kong matawa ng malakas sa sinabi ni jay kay xyber, buti napigilan ko pa kundi yari ako neto kay yabang, barado pala sya pag dating kay jay eh, wala ng nasabi eh pumunta na lang dun sa bilihan ng food.
"Galing mo! Haha nga nga yung yabang na yun sayo ha"
Tinaas ko yung kamay ko para sana makipag apir kaso tinitigan nya lang ako kaya binaba ko na, pahiya ko *pout*
"Close ba tayo?"
Napanguso na lang ako sa sinabi nya, saksakan naman pala talaga to ng sungit parang araw araw syang may PMS ah, dinaig pa kaming mga girls
"Sorna man"
Pag kasabi ku non di na sya nag salita, buti na lang dumating na si yabang, pag kalapag nya ng tray kinuha ko agad yung fries and ice cream, aagawain nya sana sakin kaso nilayo ko.
"Akin yan eh! Kumain kana diba?"
Tumango tango lang ako sakanya habang sinusubo ko isa isa yung fries.
"Nagyugyutom pwa koh eh"
Napangiwi naman yung itsura nya,
"Wag ka ngang nag sasalita pag may laman yang bibig mo, oh inumin"
Kinuha ko yung coke sakanya tas uminom agad ako, inabutan pa nya ko mg tissue.
"Salamat, eto? Gusto mo ice cream?"
Nilapit ko pa sakanya yung ice cream pero humindi lang sya, ok kung ayaw nya sakin na lang to!
"So totoo nga yung balita"
Napalingon kami sa nag salita, nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si hannah, napatayo naman si xyber sa kinauupuan nya, si jay nakatingin lang.
"Hannah bat di ka man lang nag sabi na bumalik ka na pala"
Lumapit si xyber sakanya hinawakan pa nga nya yung braso kaso tinanggal ni hannah, lumapit sakin si hannah, di ko alam kung anong gagawin ko, yung lahat ng tao dito sa cafeteria nasa amin yung atensyon.
"Ha-hannah"
Tumayo ako nung makalapit na sya sakin pero nagulat ako nung sinampal nya ko ng pag kalakas lakas, napahawak lang ako sa pisngi ko.
"Hannah! Stop!"
Pinigilan ni xyber si hannah nung sasampalin pa sana nya ko, tumulo na yung luha ko dahil sa sakit ng pisngi ko.
"You! Ang kapal naman ng mukha mo! Akala mo kung sino kang tahimik dyan! May tinatago ka rin palang landi!"
Umiiyak na talaga ko ng tuluyan dahil sa mga sinasabi nya,
"Xyber! Bitawan mo ko! Di pa ko tapos sa babae na yan!"
sa mga boses ni hannah halatang nang gigigil sya sakin, kung sigurong di sya napigilan ni xyber malamang nasa hospital na ko ngayon.
"No hannah! Jay ialis mo na dito si yesha"
Hinitak ako ni jay palabas sa cafeteria pero tuloy tuloy pa rin yung luha ko sa pag tulo nito, yung mga taong nadadaanan namin napapatingin lang samin.
Huminto kami dito sa likod ng school, binotawan nya yung kamay ko.
"Kung ako sayo layuan mo na si xyber, nung una pa lang alam ko ng mangyayari to"
Pag kasabi nya nun, umalis na sya, napaupo na lang ako, para kong nanghihina ngayon,
Dumukmo na lang ako sa tuhod ko para kasing sumisikip yung dibdib ko.
"Bess! Ok ka lang? Nakasalubong ko si jay sinabi nya sakin yung nangyari, ano? May masakit ba sayo bess? Gusto mo ba dalin kita sa clinic or sa hospital?"
Tumingin ako kay reizy, umupo sya sa tabi ko.
"Namamaga yung mata mo bess"
"Gu-gusto *sob* ko n-nang u-umuwi"
Tumango naman sya tas inalalayan nya kong makatayo, sa ngayon kaylangan ko munang mag pahinga para kahit papano mabawasan yung nararamdaman ko.
~~~~~~~
READ/SUPPORT/SHARE.
BINABASA MO ANG
The Nerdy's Love
Teen Fictionmay isang babae na NERD at mag kukrus ang mga landas nila ng mga prince at dahil dyan magiging magulo ang tahimik nyang buhay ..