Season I - Love | Chapter 12: Pinsan...

2.1K 21 5
                                    

7:10 PM.

Di pa rin nakakauwi si Reign.

Nagpaalam siyang gagabihin sa pag-uwi, pero di nasabi ang dahilan.

Kaya naman di na nagluto ng ulam si Ryniel. Bumili na lang siya ng de-lata sa tindahan ni Aling Lia -ang may-ari ng tinitirhan niyang apartment.

" Kuya Ryniel, nasa'n na po yung girlfriend mo? "

Natawa na lang siya nang biglang tanungin ng 6 yrs. old na anak ni Aling Lia. 

" Anak, di niya girlfriend si Ate Reign mo. " sagot ni Aling Lia sa kanyang anak.

" Tama yun, Bea. " sang-ayon pa ni Ryniel.

Saglit na tumahimik si Bea.

Nag-isip.

" Eh bakit mo sila magkasama sa iisang bahay? " usisa muli niya.

Di na rin nakasagot si Ryniel, sa sobrang tuwa sa mga tanong ng makulit na bata.

" Pasensya ka na sa anak ko ha, iho. " 

Sinaway na ni Aling Lia ang kanyang mausisang anak. 

" Okay lang po. " sagot ni Ryniel habang pinipisil pa ang mga pisngi ng bata  "makulet ka talagang bata ka hehe. "

" Sige na nga po, di na ako magtatanong uli. " Natawa na rin si Bea sa mga ginawa niya. " Sige po Mama, manonood na lang ako ng 100 Days. "

" Sige. "

Bago umalis si Bea, nilingon pa niya si Ryniel.

" Kuya, kuha mo? " 

Nagkatawanan na lang si Ryniel at Aling Lia sa ginawa niyang panggagaya kay Anna Manalastas. Kuha mo?!

" Iho, pasensya ka na uli sa anak ko ha. Siguro narinig lang niya ang mga yun sa mga kapit-bahay natin dito. " paliwanag pa ni Aling Lia.

" Siguro nga po. "

" Ako rin minsan eh nagtataka kung bakit kayo magkasama ni Reign. "

Umamin na rin si Aling Lia sa naiisip niya tungkol sa tunay na relasyon ni Ryniel at Reign.

" Kayo talaga. "

Tinawanan na lang ni Ryniel ang tanong niya.

" Kung di ko lang alam na magpinsan kayo, iisipin ko rin yung sinabi ni Bea eh. "

paliwanag pa ni Aling Lia.

" Magpinsan po talaga kami ni Reign. " patotoo pa ni Ryniel.

 " Okay sabi mo eh. "  

Magpinsan.

Ito ang pakilala nilang dalawa kay Aling Lia, pati na rin sa kanilang mga kapitbahay.

Kailangan nilang itago ang tunay nilang koneksyon sa isa't-isa bilang housemates, para di nilang isiping naglilive-in sila ni Reign.

Love Over VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon