Season III - Past & Present | Chapter 27: Family Unites

1.7K 27 1
                                    

    PLEASE ^_^,

<<<<< VOTE

&

 <<<<< LIKE

Comment din po kayo...

THANKS!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

10:13 AM

Isang sasakyan ang huminto sa tapat ng bahay nila Mariko. Pinatuloy naman sila ni Aling Ofelia sa loob, para maghintay sa salas. Kasalukuyang naliligo si Reign, kaya di niya agad nakita kung sino ang kanilang mga bisita. 

" Rain apo ko..."

Isang matandang lalaki ang biglang tumayo sa pagkakaupo nito sa sofa nang makita si Reign.

Di mailarawan ni Reign ang kanyang mararamdaman ng mga sandaling ito. 

" Lolo! " 

Patakbo niyang niyakap ang kanyang Lolo Alfonso. 

Tumulo na rin ang kanyang mga luha sa sobrang saya na makita ito.

" Apo ko, matagal na kitang gustong makita..." 

" Kayo po rin po 'lo. "

Sabay silang naupo para makapag-usap na ng maayos.

" Wag ka ng mag-alala Rain, di kita pababayaan. "

" Salamat po Lolo. Buti na lang po nahanap nyo na 'ko. "

Mahigpit pa ring hawak ni Reign ang mga kamay ng kanyang lolo. Para bang ayaw na niyang mawalay pa dito.

" Matagal na kitang pinahahanap apo. Kung di ko pa napanood sa TV yung nangyari sa'yo, di kita matatagpuan..." paliwanag ni Don Alfonso.

Natahimik naman si Reign, kasi di niya alam kung paano itatanong sa kanyang lolo ang tungkol sa kanyang tiyuhing si Efraim.

Kahit alam na niya ang tunay na motibo nito sa pagpatay sa kanyang mga magulang, gusto niyang marinig ang reaksyon ng kanyang lolo tungkol dito.

"Apo, alam kong di madaling tanggapin ang mga nangyari, pero sana mapatawad mo si Efraim..."

" P-po? Di ko po siya mapapatawad 'lo. Pinatay niya ng walang kalaban-laban ang buong pamilya ko..." giit ni Reign.

Tumulo na naman ang mga luha niya sa sobrang sama ng loob. Napakalaki ng kasalanang nagawa ng tiyuhin niya, kaya hindi niya ito basta-basta mapapatawad.

" Apo, alam ko na ang lahat ng katotohanan tungkol sa ginawa niya, pero wala na tayong magagawa hija patay na si Tito Efraim mo..." 

Para kay Don Alfonso, masakit man ang ginawa ni Efraim, pero wala na silang magagawa dahil napagbayaran na niya ang kanyang mga kasalanan. Patay na siya ngayon, kaya ang langit na ang huhusga sa kanya.

" Siguro po tama kayo. Ang mahalaga ay nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay nila Mama, Papa at ng mga kapatid ko. "

" Kaya ngayong kasama mo na si Lolo, di ko hahayaang may manakit sa'yo..." pangako pa ni Don Alfonso.

" Salamat po Lolo. "

Muling niyakap ni Reign ang kanyang pinakamamahal na Lolo.

Nang araw ding iyon ay ihinanda ni Reign ang kanyang mga gamit. Dahil isasama na siya ng kanyang Lolo Alfonso sa bahay nito sa Sta. Maria Bulacan.

Love Over VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon