Season I - Love | Chapter 2: Housemates

3.6K 41 7
                                    

Dinala ni Ryniel ang kanyang "stalker" sa apartment na kanyang inuupahan.

Pagdating nila dito, maraming mga matang nag-uusisa sa kanilang dalawa. Pero di na sila pinansin ni Ryniel, kasi inaantok pa rin siya.

Inilapag niya ang hinimatay na dalaga sa kanyang maliit na kama. Siya naman ay naglatag na lang ng kumot sa labas ng kanyang kwarto para dun na matulog.

" Kung ano man ang talagang pakay niya, malalaman ko yun pag nagising na siya. " 

Ito ang huli niyang sinabi, bago tuluyang natulog.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

( Stalker's POV )

"Sana tama 'tong ginagawa ko." 

Mukha namang mabait at mapagkakatiwalaan si- Ryniel?

Tama, ito ang narinig ko sa kasamahan niya kanina.

Maawain din siya.

Nakita ko kanina, na ibinigay niya yung bitbit niyang hamburger dun sa matandang pulubi na nadaanan niya. Tapos, binilhan pa ng palamig.

Mabait talaga siya, dahil dinala pa niya ako dito sa bahay niya para makapagpahinga, kahit pa hindi niya ako kilala.

Paggising niya, sasabihin ko na ang lahat.

Sana maintindihan niya ako.

Sana magtiwala siya sa'kin.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" Salamat nga pala sa pagkain. "

" Okay lang. "

Hanggang ngayon, nahihiya pa rin ang magandang dalaga kay Ryniel. Pero kailangan niyang ipaliwanag ang lahat ng nangyari kanina. 

" I'm Reign delos Santos. " Pakilala niya sa kanyang sarili.

" Ako si  Ryniel Archangel.  " sagot naman sa kanya ni Ryniel.

" Salamat pala uli sa pagdala mo sa'kin dito sa bahay mo. "

" Wala yun, di naman kita pwedeng iwanan dun sa kalsada eh. "

"Nabanggit mo, na kailangan mo ng tulong di  ba?"  Naalala pa ni Ryniel ang sinabi nito kanina.

" Tama ka. "

" Ano naman ang maitutulong ng gaya ko sa'yo? "

Nakangiti pa si Ryniel habang sinasabi ito.  Ibig sabihin bukal sa kanyang puso ang pagtulong kay Reign.

Tinitigan siya ng dalaga bago muling nagsalita.

" Matagal na kasi akong naghahanap ng matitirhan eh. " 

Love Over VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon