Season I - Love | Chapter 3: Sir Qen

3.2K 37 6
                                    

Sa tulong ni Ryniel, nakapasok si Reign as saleslady sa Scents of Angels - isang sikat na perfume store. Si Ryniel ang nagbigay sa kanyang nga panggastos sa pag-aasikaso ng kanyang mga requirements.

Maagang pumasok si Reign , dahil ngayon ang simula ng kanilang one-week anniversary promo. Tiyak maraming kustomer ang bibili lalo na ng Tears of Love. Isa ito sa brand na bestseller sa kanilang store.

Wala pang isang oras matapos nilang magbukas ay nakabenta agad si Reign ng one dozen boxes ng Tears of Love, na may 80% discount pa. 

"Buti ka pa Reign, smile mo pa lang napapabili mo na sila." puri pa sa kanya ng kanyang bagong kaibigang si Mariko. Isang half-japanese-filipina.

Lalo namang na-insecure ang isa pang kasamahan niyang si Cleo. Mula nang pumasok si Reign sa kanilang store ay mainit na ang dugo niya rito. 

Kakaiba kasi ang ganda ni Reign. Mapungay ang kanyang mga mata. Always smiling pa, kaya lalo siyang gumaganda.

" Kaya ko rin yan no. " sabi pa ni Cleo sabay snab kina Reign at Mariko.

" Tha'ts what you call "charm" Cleo. " pang-aasar pa ni Mariko. " but unfortunately yun ang wala ka."

Di na lang umimik si Reign. Sa totoo lang matagal na rin siyang naiinis kay Cleo. Kasi lagi siyang kinukumpetensya nito.

Napikon na naman si Cleo dahil sa narinig. Sinugod niya ang stalls nila Reign at Mariko. Balak na awayin ang magbestfriend.

" Good job Reign. Keep up the good work. "

Di na nakakilos si Cleo nang biglang dumating ang kanilang Manager. 

"...continue to smile coz you're so beautiful " puri pa ni Ms. Hazel kay Reign.

" Yes po Ms. Hazel. " 

Lalong napikon si Cleo. Dati siya ang napupuri ni Ms. Hazel, pero ngayon, naagaw na ni Reign ang kanyang korona.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

3: 15 PM

1 text message recieved

                            Ryniel, gcng na.

                            Ingat s pgps0k s work later. 

Sender:  Reign                             

Nang mabasa ni Ryniel ang text ni Reign ay kasalukuyan na siyang kumakain. 

" Naalala pa niya ako. Mabait siya talaga. "

Tama nga ang ginawa niyang desisyon. Si Reign ay isang mabait at maalalahaning babae. 

" Maganda rin siya." Puri pa niya rito. " Kakaibang ganda. " 

Ito naman ang reply niya sa text message:

                           Tnx. kw dn eat k n 

Love Over VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon