Season I - Love | Chapter 6 : Bike

2.5K 30 0
                                    

" Miss okay ka lang ba? " 

Dahan-dahan tumayo si Reign habang inaalalayan siya nito.

" Sorry ah, di ko sinasadyang mabangga ka. "

" Okay lang. Kasalanan ko rin naman eh. "

" Hindi. Kasalanan ko talaga. "

Sabagay kasalanan naman nilang pareho. Malalim ang iniisip ni Reign kaya di niya nakita paparating yung bike ng lalaki. Ito namang lalaki, biglang lumingon sa likod kaya di nakitang parating si Reign.

Sinubukan ni Reign na maglakad pero bumagsak siya. Buti na lang nasalo siya nito, kaya sabay silang bumagsak sa kalsada. 

" Miss, ihahatid na kita sa inyo di mo na kayang maglakad. "

" Sige, salamat ha. "

Dahan-dahan siyang isinakay ng lalaki sa harapan ng bike nito.

" Kailangang magamot agad niyang paa mo, baka mamaga pa. "

Tumango na lang si Reign bilang pagsang-ayon.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Beautiful girl wherever you are
I knew when I saw you you had opened the door
I knew that I´d love again after a long long while
I´d love again.


Habang sakay sila ng bike, maririnig ang kantang ito sa mp3 player na suot ng lalaki.

You said " hello" and I turned to go
But something in your eyes left my heart beating so
I just knew that I´d love again after a long long while

I´d love again.

" Ang ganda talaga ng kantang to. "

" Tama ka. " sang-ayon ni Reign. 

" Paborito ko nga yang kantahin eh..." 

" Para kanino naman. "


It was destiny´s game
For when love finally came on
I rushed in line only to find
That you were gone.

" Sa girlfriend kong si Ashley. "

" Ah paborito ko rin yang kanta eh. Lalo na 'tong version ni Christian Bautista. "

" Pareho pala tayo. "

" Ang ganda kasi ng boses niya eh. "

" Now that I've loved again after a long long while. I´ve loved again..."

Sumabay pa sa kanta yung lalaki.

" Wow! Ganda naman pala talaga ng boses mo eh. "

" Di naman hehe! "

" Parang pareho kayo ng boses ni Christian ah. "

" Salamat ha. " sagot nito sabay ngiti.

Love Over VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon