Season IV - Angels | Chapter 47: Missing

1.4K 11 5
                                    

PLEASE ^_^,

<<<<< VOTE

&

 <<<<< LIKE

Comment din po kayo...

THANKS!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Makalipas ang ilang oras na paghihintay ay hindi pa rin bumabalik si Rain. Di maipaliwanag ni Ryniel ang kanyang kakaibang nararamdaman, pero parang kinukutuban na siya ng masama.

" Asan na kaya si Rain? " Di na maaalis ang mga mata ni Ryniel sa pinto ng kanyang kwarto dahil sa pag-aabang sa pagdating ni Rain. " Halos labindalawang oras na siyang wala ah... "

" Kuya,wag kang masyadong mag-alala. Babalik si Ate Rain. " Pilit namang pinahihinahon ni Ybrahim ang kanyang kapatid dahil alam niyang makakasama rito ang sobrang pag-alala.

" Ano'ng gusto mong maramdaman ko Him? Kanina ko pa siya tinatawagan pero di ko sya talaga makontak..."

Kanina pa gustong umuwi ni Ryniel, pero pinipigilan lang siya ni Ybrahim. Gusto kasi niyang siya mismo ang maghanap sa kanyang girlfriend. Alam niyang di pa kaya ng kanyang katawan, pero titiisin niya ang sakit mahanap lang si Rain.

" Sandakmakmak na text na rin ang ginawa ko, pero wala siyang reply. Nagtext din si Mariko at sinabing di niya kasama si Rain..."

Nakakapagtaka kasi kung bakit di man lang siya naalalang tawagan o itext ni Rain kung talaga okay lang siya ngayon. Dahil dito, gusto na niyang paniwalaan ang masamang kutob niyang nasa panganib nga si Rain ngayon.

"Kuya wag ka ng mag-alala...Pupunta ako sa mansion nila Ate Rain para makibalita. "

" Salamat Him. Sana pagbalik mo kasama mo na siya... "

Muling bumalik sa pagkakahiga si Ryniel. Wala na siyang magagawa kundi magpagaling muna. Kasi kung pipilitin lang niya ang kanyang sarili, mas lalo lang lalala ang kanyang mga sugat. Mas di siya makakatulong kung ganito ang mangyari.

" Text mo agad ako ha, kapag nakita mo na siya. "

" Oo Kuya...Alam ko kung gaano ka kamahal ni Ate Rain, kaya wag ka ng mag-alala..."

" Mahal na mahal ko rin siya, kaya di ko kayang di siya makita kahit isang minuto lang..."

Pagkaalis ni Ybrahim ay muling sinubukan ni Ryniel na bumangong mag-isa, pero bumagsak din siya agad sa kama. Di pa talaga kaya ng kanyang katawan dahil sa sobrang pagkakabugbog nito nung mabangga siya ng kotse at bahagyang tumalsik sa kalsada. 

Sa kalagayan niya ngayon, mukhang kailang niyang magtagal sa hospital para magpagaling. 

" Rain asan ka na ba? Ba't di mo ko ginising bago ka umalis? " 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Muntik ng atakihin sa puso si Don Alfonso dahil sa biglaang pagkawala ni Rain. Agad siyang nakipag-usap sa mga pulis para sa agarang paghahanap sa kanyang apo. Inimbestigahan din ang mga posibilad na dahilan ng kanyang pagkawala.

6:13 PM

Isa pang masamang balita ang gumulantang sa Delos Angeles mansion.

" Sir, hinanap na po namin siya sa buong bahay, pero wala talaga si Xedriq. " Umiiyak na si Katherine nang ibalita  kay Don Alfonso ang biglang pagkawala ng kanyang alaga.

" Si Veronica po ang huling kasama niya. " singit ng isang matabang katulong, " Pero wala na rin po siya ngayon. "

" Di kaya kinidnap niya ang alaga ko? " Agad na naghinala si Katherine.

" Oo nga no. " sang-ayon ng matabang katulong.

Yun din pala ang naisip ni Don Alfonso kaya agad niyang pinag-utos kay Mr. Yan, na sabihan ang mga pulis na hanapin din si Xedriq.

" Ba't kaya kinuha ng babaeng yun si Xedriq? Ano'ng motibo niya para gawin yun? " Nagpapanic na si Katherine sa sobrang pag-alala. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang hawak ang paboritong laruang ibon (Phoenix) ni Xedriq. " Tapos, pati si Mam Rain nawawala rin. Ano bang nangyayari?"

" Kat, tama na. " awat sa kanya ng driver na si Kuya Greg. " Gagawin ng mga pulis ang lahat para mahanap sila. "

 " Kung sino man ang may kagagawan nito, sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan. " pagbabanta pa ni Don Alfonso.

Nakapagdesisyon na si Don Alfonso, na wag munang ipaalam kay Ryniel ang pagkawala ni Xedriq. Dahil alam niyang mas lalo lang gugustuhin ng binata na lumabas ng hospital kahit di pa siya lubusang magaling.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

( Flashback )

December 17

5:00 AM

Naabutan ni Rain ang dalawang pulis na naghihintay sa labas ng kwarto ni Ryniel.

" Mam, kailangan lang po namin makuha ang statement ni Mr. Archangel. " Agad sinabi ni PO1 Gubat ang kanilang pakay nang makaharap ang dalaga.

" Nagpapahinga pa siya eh. Ako na lang ang magsasabi sa inyo. " sagot niya sa mga ito.

" Sige po Mam..." sang-ayon naman ni SPO1 Espanola, habang inilalabas ang kanyang maliit na notebook.

Ikinuwento sa kanila ni Rain ang mga nangyari, ayon sa naikwento sa kanya ni Ryniel. Siguro sapat na yun para di na nila kailangang storbohin ang pagpapahinga ng kanyang boyfriend.

" Okay po...Salamat po sa inyo. " sabay na sabi ng dalawang pulis.

" Sir, gusto ko rin po sanang magsama ng kaso sa driver. "  Sinabi na rin ni Rain ang kanyang balak upang maasikaso agad ng mga pulis.

" Dapat mo talagang gawin nyo yan. " sagot ni PO1 Gubat. " Kailangan lang po'ng sumama kayo ngayon sa presinto para maisampa ng maayos ang kaso. " paliwanag pa niya.

" Sige po sasama ako. "

Nakapagdesisyon na si Rain na ituloy ang nasabing kaso, 'pagkat muntik ng mawala sa kanyang buhay si Ryniel dahil lang sa kapabayaan ng isang lasing na driver.

Kasama ang dalawang pulis, agad silang sumakay ng elevator palabas ng hospital.

Pero di pa sila nagtatagal roon ay biglang huminto ang elevator,

sa pagitan ng 3rd at 2nd Floor...

Kasunod nito ang pagkawala ng ilaw...

Love Over VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon