Season IV - Angels | Chapter 40: Babala o Panaginip?

1.5K 17 6
                                    

 PLEASE ^_^,

<<<<< VOTE

&

 <<<<< LIKE

Comment din po kayo...

THANKS!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dahil sa sobrang pag-aasam ni Rain na makawala sa mga braso ni Tairus ay nabitiwan siya nito.

" AHHHH! Tulungan mo 'ko! "

Unti-unti siyang bumabagsak.

Napapikit na lang siya...

Handa na siyang harapin ang kamatayan...

Isa-isa niyang nakita ang mukha ng kanyang mga mahal sa buhay...

Ang kanyang Mama at Papa...

Sina Eliza at Dianne...

Si Qen...

Si Xedriq...

Ang kanyang Lolo Alfonso...

" Ryniel, mahal na mahal kita...Sana magkita pa tayong muli..."

Tinitigan pa niya ang maamong mukha ng lalaking kanyang pinakamamahal...

bago muling pumikit...

" RAIN!!! WAG MO KONG IIWAN! "

Bago pa tuluyang bumagsak si Rain ay narinig niya ang malakas na sigaw ni Ryniel.

Unti-unti siyang dumilat...

Unti-unti rin niyang naaninag ang maamong mukha nito.

" Maraming-maraming salamat sa Diyos, dahil ibinalik ka Niya sa'kin. "

Bakas na bakas sa mukha ni Ryniel ang labis na pag-alala. Akala niya kasi tuluyan ng mawawala sa buhay niya si Rain. Halos dalawang araw din kasi siyang walang-malay dahil sa aksidenteng naganap.

Labis naman ang pagtataka ni Rain sa kinikilos ni Ryniel.

" Rain, mahal na mahal kita... "

Niyakap siya nito ng mahigpit. Umiyak pa sa kanyang balikat.

" Mahal, okay na ang lahat, wag ka ng umiyak. " aniya habang hinahaplos ang mga pisngi ng lalaki. " Di hinayaan ng Diyos na magtagumapay ang mga masasamang anghel na yun. "

" Anghel? Ano'ng ibig mong sabihin? "

Nagtaka si Ryniel sa mga sinasabi ni Rain, dahil wala namang kidnapping na nangyari.

" Sila yung Angels of Zodiac na gustong kumidnap kay Xedriq... "

Pagtataka rin ang naglalaro sa isip i Rain. Hanggang ngayon ay nakikita pa rin niya ang mga eksenang nangyari.

 Napaiyak siya nang maalalang walang-awang pinatay ni Tairus si Xedriq.

" Rain bakit ka umiiyak? "

" Wala na ang anak ko... "

" Ano'ng sinasabi mo? Di kita naiintindihan Rain. "

Napukaw ang kanilang atensyon dahil sa pagpasok ni Katherine sa kwarto.

" Mam mabuti po gising na kayo..." bungad sa kanila nito, " lagi po kasing umiiyak si Xedriq eh, hinahanap kayo..." 

Love Over VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon