DWML 15 ( the truth)

4 0 0
                                    

Kath's POV

Dinilat ko ang mata ko pero isang kulay lang ang tangi kong nakita, ITIM. Alam ko na siguro dapat ko nang tanggapin ang katotohanan na hindi nako makakakita. Pero ang sakit lang isipin na parang sa isang iglap mawawala lahat ng pangarap ko ng dahil sa mata ko. Naramdaman ko namang may tumulong luha sa mga mata ko pero may nagpunas nito agad.

Salamat sa nagpunas. Kung sino ka man.

Loves................

Nang marinig ko ang tawag na yun gusto kong humagulgol alam kong nahihirapan na sila pero mas nahihirapan ako. Unti unti nanamang may tumulong luha sa mga mata ko, oo nakadilat ako pero wala talaga,wala kong makita.

Loves....... may........... sa-

Di ko na siya pinatapos dahil alam ko na ang sasabihin niya.

Alam ko na. Na may sakit ako.

Kelan mo pa alam?!

Matagal na.

At hindi ka man lang nag care na sabihin samin o kahit sakin man lang!

Ayoko! Natatakot ako! Natatakot ako na baka tanggalin niyo ko sa banda at sa team ayoko mahiwalay sa inyo ayoko mawala ang mga pangarap ko!

Ayaw mo mawala?! Ano ginawa mo ngayon kath! Nawala na dahil hindi mo pinalagaan ang kalusugan mo! Nawala na kath! Wala na!

Oo! Ako! Ako ang may kasalanan nang lahat gusto ko lang kayo makasama sa bawat minuto ng buhay ko kaya nga hindi ko na iniintindi yung training na sobrang nakakapagod at bawal sakin yun! I take the risk makasama lang kayo!

You always take the risk! Tapos magrereklamo ka pag nasasaktan ka na?! Kath kaya nga kami nandito di ba para tulungan ka!

For the first time hindi niya ginamit ang cs namin. Hindi na lang ako nagsalita alam kong lalaki ang usapan pag nag salita pa ko.

Naramdaman ko namang may yumakap sakin sa pagkakahiga ko.

Hindi ko alam kung sino pero niyakap ko din ito.

Loves........... sorry di ko sinasadya yung mga sinabi ko.........

Si kate lang pala ulit.

Tama ka naman eh. Wag ka mag sorry.

Hindi.hindi mali lahat ng sinabi ko imbis na alagaan kita sinermonan pa kita.

Ikaw at ako lang ba nandito?

Hindi halos lahat ng team nandito.

Eh bakit ikaw lang ang nasa tabi ko?

Hindi muna niya ko sinagot mga 10 seconds of silence.

They can't umiiyak silang lahat di nila kaya na nagkakaganyan ka mas sanay kasi kaming malakas at matapang ka.

Napaiyak nanaman ako sa sinabi nila sabi na nga ba nahihirapan din sila.

Ano sabi ng doctor tungkol sakin?

Hindi kami ang kumausap.

Sino?

Ang tita mo..........

What the heck? Si tita? Sumunod siya sa US?! Patay nalimutan ko yung deal namin!

Nasan siya?!

Walang sumasagot naramdaman ko na lang na humiwalay sa yakap ko si kate parang lumayo siya sakin.

Don't waste my love......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon