Kath's POV
Ouch!
Napahawak naman ako sa ulo ko. Ano ba nangyari?! Nag inuman ba kami?! Tsaka bakit si kate ang katabi ko?!
Ah. Oo nga pala nabusted nga pala ko kahapon. Shocks! Ito nanaman ang mga luha ko. Ayaw tumigil sa pag iyak.
Okay ka lang?
Tanong sakin ni kate.
Nginitian ko lang siya. Ang hirap naman ng tanong niya. Ano ba dapat kong isagot oo? Hindi? O sobra? Sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Tumayo nako sa kama at pumunta sa cr naghilamos lang ako. Tumingin naman ako sa salamin magang maga naman ang mata ko. Ang bakas ng kalungkutan ko kahapon.
Lumabas nako ng cr. May bigla namang yumakap sakin.
Loves?
Okay lang ako loves. Hindi ako susuko.
Nababaliw ka na. Pero kapag sinaktan ka niya nandito lang ako.
Thanks loves.
Lumabas nako ng kwarto. Siya naman ay pumasok sa banyo.
Pumunta agad ako ng kusina at nagtimpla ng kape. Hindi ako titigi mapapasakin din si claire.
May bumaba naman sa hagdan si claire. Sisimulan ko na ang pagpapahulog ko sakanya.
Good morning claire!
Nginitian niya lang ako. Tumayo naman ako sa upuan at pinag timpla siya ng kape.
Coffee?
Nilapag ko naman sa harap niya ito. Nagluto nako para sa breakfast namin.
Good morning guys!
Bati ko sakanila habang naghahain.
Nakita ko naman sa mukha nila ang pagtataka.
Okay ka lang kath?
May sakit ka ba?
Oo may sakit yan! Broken hearted!
Natahimik naman kami bigla sa sinabi ni alex. Binatukan naman siya ni bianca.
Ano ba kayo! Okay lang ako! Tara kain na tayo!
Umupo na sila sa kanya kanyang pwesto,syempre katabi ko si kate ako sa gitna si claire sa isang pang gilid. Kinuha ko naman ang kanin para lagyan si claire sa plato niya at mga ulam.
Kath. Di mo kailangan gawin to.
Ang alin?
Ito. Itong mga ito.
Ah. Bakit naman? Masama ba ang hindi pagsuko?
Kumain nako, oo nasaktan ako sa sinabi niya na kahit katiting ay wala talaga siyang espesyal na nararamdaman para sakin. Pero sabi ko nga hindi ako susuko.
After namin kumain lumabas ako ng dorm para bumili ng chocolate and flowers. Dumaan na rin ako sa dunkin donut para sa mga PG yun eh.
Pumasok nako nakita ko naman si claire sa sala na nanonood at may katxt. Inabot ko naman sakanya ang flowers and chocolate.
For you.
Tinitigan niya lang ako,ngumiti, akala ko tatanggapin niya. Pero hindi pala.
Sorry.
Sabi niya sakin sabay alis sa harap ko at pumanik.
Lumabas naman ang team sa kusina. Alam kong nakita nila yung nangyari.
BINABASA MO ANG
Don't waste my love......
RandomPano na lang kung nagmahal ka ng isang tao na minahal mo nang halos 5 taon kasi sobra yung tama mo sakanya......... Pero one time napagod ka nakakita ka ng mas worth ng pagmamahal mo..... Pero pano na lang kung minahal ka na pala nung dati mong maha...