Kath's POV
Nagising ako sa mabigat na nakapatong sa katawan ko. Napahawak ako sa sintido ko.Ang sakit ng ulo ko! Hindi ko naman madilat ang mata ko para kasing binibiyak ang ulo ko. Pinilit ko namang idilat ang mata ko kahit masakit.
Nakita ko naman ang isang braso at isang binti nakapatong sakin. Kaya naman pala ang bigat.
Loves. Ang bigat.
Ginalaw ko ng konti ang katawan ko para magising siya. Nagising naman siya,at inalis ang binti niya pero nandun pa rin ang braso niya na nakayakap sakin.
Loves. Ang bigat eh(≥3≤)
Sorry.
Inalis naman niya ang kamay niya at tumalikod sakin. Anong problema nito??
Loves???
Oh.
Hala siya! Galit ba to? Bakit naman siya magagalit eh uminom lang naman ako kahapon.
Galit ka ba??
Hindi.
Eh bakit ayaw mo ko pansinin.
Hindi naman siya sumagot agad. Mga 10 segundo siguro bago siya sumagot. Humarap siya sakin,at nagtama ang mata namin.
Hindi ako galit. Kasi sobrang galit ako sayo.
Bakit naman??
Kasi nagkakaganyan ka dahil sa isang babae. Nagkakaganyan ka dahil sa pagmamahal mo kay claire. Nagbago ka dahil sakanya.
Umiwas naman ako ng tingin at tinitigan na lamang ang dingding. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit siya galit sakin. All this time pinoprotektahan niya ko,pero ang sarili ko di ko maprotektahan.
Im sorry. Hindi ko naman gusto din ang nangyayari sakin. Pero anong gagawin ko nadurog ang puso ko. At wala kong ibang maisip na gawin kundi ang uminom at magmukmok.
Yan,yan ang hirap sayo.
Tumayo naman siya sa pagkakahiga. Binuksan ang bintana sa kwarto namin at sumilip sa labas.
Yan ang hirap sayo. Hindi naman sa lahat ng oras laging alak ang sagot. Hindi naman kapag may problema ka alak ang sagot. Hindi naman porke't heartbroken ka iinom ka ng iinom at magmumukmok.
Tumayo naman ako sa pagkakahiga ko. At pumunta ko sakanya tumingin din ako sa labas.
Anong gusto mong gawin ko? Magpanggap na masaya? Magpanggap na parang walang nangyari? Magpanggap na hindi ako nasasaktan?
Tumingala naman ako para pigilang umiyak,ayokong makita ni kate na umiiyak ako. Pero wala ring nagawa ang pagtingala ko kumawala pa rin ang mga taksil kong luha.
Pano kung ganun nga ang gusto kong gawin mo? Gagawin mo ba??
Hindi ko alam. Masyadong mahirap yan.
Edi sige ako ang magsasabi kung ano ang gagawin mo. Ako ang magsasabi sa bawat ikikilos mo.
Ako ang tutulong sayo para mawala ang pagmamahal mo sakanya.Napaisip naman ako sa sinabi ni kate. Tutulungan niya kong mawala ang pagmamahal ko kay claire. Hindi ba't parang imposible naman yun. Pero may tiwala naman ako kay kate alam kong kaya niya kong tulungan.
Deal??
Tumingin ako sakanya. Nakatingin din siya sakin,pinunasan ko ang luhang nasa pisngi ko, at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Don't waste my love......
SonstigesPano na lang kung nagmahal ka ng isang tao na minahal mo nang halos 5 taon kasi sobra yung tama mo sakanya......... Pero one time napagod ka nakakita ka ng mas worth ng pagmamahal mo..... Pero pano na lang kung minahal ka na pala nung dati mong maha...