DWML 16 ( the feels)

2 0 0
                                    


Claire's POV

Maaga kong nagising para ipaghanda si kath ng almusal kahit na hindi naman ako masyadong kagalingan sa pag luto kanin ko nga lang malata pa o kaya sunog.

Nagluto lang ako ng egg hotdog tapos rice.

Hihintayin ko na lang siya gumising

Umupo muna ko sa sofa at pinasmasdan siya naaawa ako sakanya masyado siyang mabait para madanas tong mga gantong bagay,alam kong ayaw niyang kinakaawaan siya pero hindi naman kasi maiiwasan yun kung sa kaibigan mo mangyayari yun. Pano kaya kung donate ko na lang mata ko? Baka magalit lang si kath pag ginawa ko yun alam kong kahit naaagyabrado na siya mas priority pa rin niya yung mga kaibigan niya o kung sino man imbis na sarili niya ang isipin niya,ganun siya kabait,maganda,sexy,magalang, halos lahat nasakanya na. Kung lalaki nga lang ako niligawan ko na to eh kaya nga lang babae ako kaya di pwede hehhehe.

Sa pagmumuni muni ko napansin ko namang gumagalaw siya mukhang gising na siya.

Dumilat na siya nakakalungkot lang na sa pagdilat niya wala siyang ibang nakikita kundi itim.

Nakita ko naman na may tumulo na luha sa kaliwa niyang mata ibig sabihin nun kalungkutan kapag daw kasi sa kanan ibig sabihin kaya umiiyak dahil sa saya.

Lumapit ako sakanya at pinunasan ang luha niya medyo nagulat pa nga siya.

Nandyan ka pala. Di mo man lang sinabi nakakahiya nakita mo pa kong umiiyak.

Sabay punas sa natira niyang luha.

Ano ka ba! Bakit ka naman mahihiya sakin eh halos magkapatid na nga tayo tsaka alam ko nararamdaman mo no!

Talaga?! Nabulag ka na? Kelan?

Pabirong sabi niya pero alam ko na nasasaktan din siya.

Baliw! Hindi no! Iba ang ibig kong sabihin!

Ano?

Tama na nga. Gutom ka lang kumain ka na.

Nilagay ko naman yung tray na may pagkain sa table niya may table kasi yung kama niya.

Wow! Nagluluto ka na?

Hindi! Di ko nga alam kung luto yan eh! Baka hilaw pa yung hotdog!

Ayoko niyan! Ikaw kumain niyan!

Joke lang! Kumain ka na! O baka naman gusto mo pang subuan kita?

Wag na. Okay lang.

Kinapa naman niya yung spoon and fork tapos sinalat niya din yung kanin yung hotdog tapos yung itlog nung nalaman niya kung nasan yung mga pwesto kumuha na siya kaya lang nalalag lag kaya kapag sinusubo niya na yung spoon walang pagkain na nakalagay.

Ako na.

Sabay hawak ko sa kamay niya para pigilan siya sa pagsubo.

Salamat

Ngumiti siya pero alam kong sa mga ngiting yun may halong poot at sakit humahanga ako kay kath kasi ang tatag ng loob at ang tapang niya tinutupad niya talaga yung pangako niya samin na lalaban siya para samin.

Asan na yung pagkain? Kanina pa ko nakanganga dito oh! Napasukan na ko ng langaw!

Ay! Sorry! Teka wala namang langaw sa US ah!

Eh kunwari lang asan ba?

Eto na.

Sa lalim ng iniisip ko nalimutan ko na kakain pa pala siya. Sinusubuan ko lang siya. Siya yung may sakit na ganado sa pagkain.

Don't waste my love......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon