DWML 3 ( 2 kiss in 1 day)

31 0 0
                                    

Claire's POV

Bakit ganun parang may yakap ako na something pag natutulog naman ako wala kong niyayakap ah pag dilat ko nang mata ko nagulat ako kasi nakayakap ako kay kath at parang sobrang higpit pa nito kaya napabalikwas ako kaya nagising ko siya.

Bakit claire?! Anong nangyari?

Bigla naman siyang napabangon at parang nag aalala sakin.

Ah....... wala naman na...naginip lang sabi ko na lang bilang palusot

Ah ganon ba may pasok ka ba ngayon? Sabi niya habang naghihikab.

Wala freeday ko. Tapos bumangon nako at nag ayos ng sarili.

october na ah di ka ba pupunta sa sementeryo? Sabi niya sakin habang nakahiga pa rin sa kama.

Di ko pa alam eh wala pa kong plano ikaw ba? sabi ko habang nasa loob ng banyo

maya maya pupunta ako sa semeteryo. Sabi niya at parang bumangon na sa higaan

Sama na lang ako sayo.

Sige ba! Sabi niya na parang naexcite pa.

Kath's POV

Nandito na kami ngayon sa sementeryo. Medyo malayo kasi yung puntod ng lolo at lola ko sa parking lot kaya naglakad pa kami habang naglalakad kami may mabilis na motor muntik na siyang masagi buti na lang at nahila ko siya ang awkward lang ng pwesto namin konti na lang kasi ang pagitan ng mga labi namin medyo nailang kami kaya naglayo kami agad.

Dito ka nga sa kabila baka masaktan ka pa. Sabi ko habang hinihila siya papunta sa kabilang side.

Habang naglalakad kami walang kumikibo samin hanggang sa basagin ko ang katahimikan.

Claire,may gusto sana kong itanong sayo? Sabi ko nang hindi nakatingin sakanya.

Sige ano ba yun? Sabi niya sakin habang nakatingin sakin nakita ko siya sa pheriperal vision ko.

Wag kang maiilang sa tanong ko ha.
Nainlove ka na ba sa isang babae?

Uhmmmmmm hindi pa naman bakit?

Eh nag kaboyfriend ka na ba?

Hindi pa pero may crush ako hihihi. sabi niya na parang kinikilig pa.

Sino? Sabi ko na kinakabahan pa.

Si charlie puth hihihi enebe keth kenekeleg ako. Sabi niya habang hinahampas pa ko sa balikat.

Hahahaha wala ka bang crush yung sa campus.

Wala eh never pa ata nangyari sakin yun eh. Sabi niya habang nagkakamot ng ulo.

Ah nandito na tayo. Tinuro ko naman yung puntod ng lolo at lola ko.

Pumunta na kami dun,nagsindi naman ako ng kandila siya naman tinulungan akong ilagay yung bulaklak,tapos naupo kami sa dinala kong sapin wala pa namang masyadong tao kaya tahimik maaga pa kasi.

Bakit mo naman natanong yung mga bagay na yun?

Ah wala naman para pag nag ka boyfriend ka na bantay sarado ka sakin.

Ay grabe ka naman parang ikaw ang magiging knight in shining armor ko?hahaha

Oo parang ganun na nga.

Mga ilang minutes pa kami nanatili dun hanggang sa naisipan na naming umuwi dumadami na din kasi yung tao,naglalakad na kami pabalik sa parking lot inakbayan ko siya baka kasi mahagip nanaman siya ng motor.

Don't waste my love......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon