Claire's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko pag dilat ko nakaharap sakin si kath tinitigan ko siya saglit maganda din pala siya kahit medyo maliit yung height niya bumagay naman sa cute niyang boses tapos ang tambok pa ng pisngi niya di naman siya mataba ang cute lang talaga ng pisngi niya kaya lagi ko tong kinukurot,napatingin naman ako sa labi niya bakit may sugat nakipag suntukan ba to? Ano nangyari dito tsaka pano ko napunta dito sa kwarto namin? Ang dami kong tanong mamaya na nga lang pag gising niya,tinitigan ko pa siya hanggang sa idilat niya ang isa niyang mata tapos yung isa namang mata tapos parehas namang mata ang binuksan niya tapos kinusot niya pa pag kakita niya sakin
Good morning:) sabi niya habang nakangiti.
Good morning din:) sabi ko sakanya habang nakatingin pa rin sakanya.
Naghikab siya tapos bigla niyang hinawakan yung labi niya nasaktan ata may sugat kasi yung labi niya eh.
bakit ka ba may sugat sa labi? Tanong ko habang nakakunot ang noo.
Uhmm... ano.... kasi tumama lang ako sa bakal kahapon ang dilim kasi. Sabi niya habang nagkakamot ng batok.
Halika nga baba tayo. sabi ko habang hinihila siya sa kama paalis lagi kasi kaming dalawa ang unang nagigising pinaupo ko siya sa upuan sa kusina,at kumuha ng yelo sa freezer.
a-anong gagawin mo diyan? sabi niya na parang natatakot mukhang alam niya na gagawin ko.
para sa labi mo para gumaling agad. sabi ko habang dinidikit ang yelo sa labi niya.
Aray!aray!dahan dahan lang po masakit! Sabi niya habang nangingilid ang mga mata.
ay sorry dinahan dahan ko naman ang pagdampi ng yelo sa labi niya ang ganda ng labi niya parang ang sarap halikan.
Ano ba yan! nagiging bi-sexual na din ako joke lang hahaha. Natigil lang ako sa ginagawa ko nang biglang may nag salita.
Ano yang ginagawa niyo? Tanong ni captain
ate chloe ginagamot ko lang yung sugat niya sa labi. sabi ko habang pinapalitan yung yelo.
Bakit ano ba nangyari? Tanong niya habang kumukuha ng tubig sa ref.
cap. Nabunggo kasi ko sa bakal ang dilim kasi eh di ko napansin. Sabi niya habang dinadampian ko ng yelo yung labi niya.
Ah ganun ba ingat ka kath baka mafall ka diyan kay claire masyadong pa namang maalaga madaling mahalin sabi ni ate chloe habang nakangiti na nakakaloko.
Napatingin naman ako kay captain kaya tinigil ko na yung pag papahid ng yelo sakanya bigla kasi kong nailang.
Oh bakit mo tinigil? sabi niya habang hawak pa rin yung labi niya.
Ah.....ano...... okay na yan.
Sabi ko habang umiiwas ng tingin.
Nag handa na ko para pumasok tapos naligo na rin ako after kasi nun may training pa kami.Nagulat naman ako nung nakita ko si kath na bagong ligo.
San ka pupunta? takang tanong ko sakanya
Hahatid sana kita gamit yung motor ko mamaya pa naman kasi yung pasok ko kung okay lang naman sayo.
Ah ok tara na.
Bumaba na kami ng dorm nagpunta kami ng parking lot para sumakay sa motor niya nung nakasakay na ko di ko alam kung saan ako hahawak kaya sa balikat niya na lang ako humawak kaya lang bigla niyang hinawakan yung kamay ko at nilagay sa bewang niya grabe ang sexy niya tapos pagkakaalam ko may abs siya eh.
BINABASA MO ANG
Don't waste my love......
AcakPano na lang kung nagmahal ka ng isang tao na minahal mo nang halos 5 taon kasi sobra yung tama mo sakanya......... Pero one time napagod ka nakakita ka ng mas worth ng pagmamahal mo..... Pero pano na lang kung minahal ka na pala nung dati mong maha...