Kacey's Point of View
Paulit-ulit sila ng tanong bakit daw balisa ako kanina pa, pati pala si Caleb tinatanong. Ikaw kaya kunin ng kaaway mo ang First kiss mo. Syempre maiinis ka.
Flashback:
Nagbabasketball kami ngayon nagpaalam muna ako sa tatlong boys para mag-CR.
Paglabas ko kumuha ako ng tissue sa tabi ng pintuan habang nag-iisip ng about sa pagbabasketball namin, then....
kumukuha din pala si Caleb ng Tissue 'non at accidentaly nahalikan niya ko kasi bigla akong sumulpot.
"What do you think you have done?!" i asked na umuusok ang tenga't ilong sa galit.
"Ako pa, ako pa ngayon ang may kasalanan eh bigla mong hinugot yung tissue na hawak ko, na out of balanced ako dahil 'don tas ako pa may kasalanan?! " tanong din niya.
"First kiss ko mapupunta sa kaaway ko?! Ugh! Alam mo ba na dapat sa pinakaimportante at pinakamamahal na lalaki ko lang dapat mapunta ang first kiss ko?! Dapat sa kanya lang wala pa 'kong nahahalikang lalaki ! Kahit sabihin mong playgirl ako, di ako nakikipagpersonal contact except Holding Hands and hug pero yung hug madalang lang! Kahit kiss sa cheeks wala, tas sa'yo pa mapupunta?! First kiss on lips pa yun! Hay nako! nakaka---" naputol ang sasabihin ko because he gave me again a peck on my lips.
"Ang ingay mo! Ayan tuloy napapala...." he chuckled while saying that.
"Bahala ka na diyan..." sabi niya at lumakad na papalayo.
Nang matauhan ako.....!!
"Wala hiya kang lalaki ka!! Nakakainis ka! Nasa'yo na nga ang First pati second kinuha mo?!"
Pagbalik ko sa Arcade andun' na sila sa Just Dance pinapanood si Ayu at Kyla. Ako 'eto balisang balisa iniisip yung nangyari sa Restroom. Nakakainis talaga na sa kanya na ang First pati ang second huhu di na ko makapagsalita.
End of flashback...
Simula 'non di na ko nagsasalita at tuwing tatanungin nila kung anong nangyari sasabihin at sasabihin ko wala. Nakakainis nakakainis.
Andito kami ngayon sa seaside beer house at ako nagpapakalango sa alak naiinis kasi ako sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit pero nakakainis na talaga. First kiss ko ngayong araw okay lang sana kung mahal ko si Caleb kaso di siya ang lalaking mahal ko eh NAKAKAINIS!!
"Kacey, ano ngang problema mo? Tayo-tayong dalawa lang nandito! Spill !" pangungulit sa akin ni Kyla nasa dance floor kasi ang lahat except sa aming dalawa. Sasabihin ko ba? Halatang-halata na niya ako eh.
"Wala nga eh!" I lied
"Sus, ako pa niloko mo. Ibang tao nalang Kacey huwag ako." She knows me well. ugh!
BINABASA MO ANG
The Fake Us
أدب الهواةFAKE, Turing niya lang sa akin ay Fake Girlfriend. Turing ko rin sa kanya ay Fake Boyfriend. Magkatotoo kaya o hanggang FAKE nalang kami? Dapat ba akong matuwa dahil may KAMI o dapat akong malungkot dahil hanggang doon nalang kami ?