Chapter 7

18 1 0
                                    


Kacey's POV 


Kinabukasan.. 


Maaga ako nagising kaya naisipan ko munang mag-jogging.


"Good Morning po Yaya Tess" bati ko kay Yaya. 


"Good Morning nak." sagot naman nito. "Kaaga mo naman yatang nagising?" dagdag pa niya. 


"Di na po ako makatulog yaya eh. si Mommy po?" tanong ko.


"Tulog pa, nagpuyat kasi yun kagabi kakatrabaho." sabi ni yaya, simula kasi nung namatay si papa si mama na ang nagpapakahirap sa pagkayod. 


"Ah sige po yaya magpapalit na ko, magjo-jogging po kasi ako eh." paalam ko sabay pasok sa banyo. 


Pagkabihis ko lumabas na ako kaagad sa banyo. 


"Bye yaya, jogging lang po ako!" paalam ko. 


"Ingat!" sigaw ni yaya bago ako makalabas ng pinto. 


Parang ang daming feel magjogging ngayon ah? Marami-rami akong nakikitang nagjo-jogging eh.


Napagod ako at pumunta muna ako sa park di kalayuan sa bahay namin. Bumili ako ng Ice Cream


"Pabili nga po Cookies & Cream" sabi ko sa Manong. Binigay niya na sa akin ang Ice Cream ko at binigay ko na rin ang bayad ko. 


Naupo ako sa Swing at doon ako nagmoment wala lang feel ko magdrama haha. 


inalala ko kung paano naging maganda ang relasyon namin ni Caleb noon....


Sobrang saya namin pero natapos sa isang di magandang pangyayari... 


Akala ko "Hearts never Forget," Akala ko may pag-asa pang mangyari ang dati, pero wala na eh tuluyan ng kinalimutan ng puso't isipan niya ang "DATI". 


Nagdr-drama ako ng biglang may kumalabit sa braso ko, tinignan ko kung sino yun, di ko siya kilala huh. 


"Miss, May problema ba? " umiling lang ako sa kanya at hinawakan ko ang mata ko Umiiyak ako!? Psh, di ko man lang naramdaman sobra na ang pagiging manhid ah. 


"Pero umiiyak ka?" dagdag niya, sorry but i don't talk to strangers. 


"Pwede ba? Ok lang ako kaya umalis ka na lang sa harap ko" sabi ko sabay irap, ay natarayan ko tuloy siya. 


 "Miss, sungit naman oh" sabi niya. "By the way my name is Ash Clee." pakilala pa niya at naglend ng hand for shake hands. 


The Fake UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon