Kyla's POV
Whaatt?! Ako talaga pwede naman si Ayu o kaya si Kacey, sabagay ako naman ang pinakamaganda kaya siguro ako ang pinili hahahajoke. Ayoko naman maging pabebe eh, baka lalong mang-asar yang mga 'yan kaya pumayag na 'ko kahit nakakatakoooott omo!
"No Choice dalawa lang ang outher cloth ko Kyla!" sabi niya at yumuko nahiya siguro haha.
"K then basta wag ang Virgin Lips ko." i said pero natatakot ako omo <//3
Nang matapos niya akong halikan sa pisngi ay kala ko tapos na pero bigla niya akong hinila at hinalikan sa lips ----
Ng marealize ko ang nangyari lumayo ako sa kanya at tiningnan ko ng masama....
Sinampal ko siya at lumayo na sa lugar na iyon
Napunta ako sa garden sa likod ng mall.
Bakit? Bakit niya ginawa iyon? Di sapat na dahilan kung lasing ka lang o ano...
"Kyla...." nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ng taong nagnakaw ng unang halik ko, di ko alam kung anong pwedeng maramdaman ko sa oras na ito. Kaba, takot, galit, pero----
may part sa akin ang natutuwa, di ko alam ang gulo di ko na alam ang nangyayari naiinis ba ako o natutuwa? Di ko na alam hay nako!
"Kyla, Sorry sa nangyari kanina..." sabi niya at nilingon ko siya tsaka tinaasan ng kilay. "Hindi ko alam Kyla masyadong mabilis ang pangyayari" dagdag pa niya at napakamot ng ulo.
"Alam mo bang First kiss ko yun?!" galit kong sabi. "Akiro! Oh Ghad! kaya ako pumayag para maligtas ako sa dares pero di ko inasahang gagawin mo yung di naman dapat gawin. Nakakainis nakalaan ang first kiss ng babae sa taong mamahalin nito. Eh di naman kita mahal eh!" bakas sa mukha niya ang lungkot pero bakit? ngsasabi lang naman ako ng totoo ah?
"Sorry talaga Kyla i just can't resist you." dagdag niya at umalis na sa pwesto na iniwan akong nakatanga rito. 'Can't resist you?' Anong meaning nun? Lol. Stop thinking about it Kyla..
***
Nakatulog ako ng 1AM na sa kakaisip 'nung nangyari kahapon sa celebration. At nung tiningnan ko yung orasan it's already 12:30 PM ng magising ako tumakbo ako pababa at tinignan ang kalendaryo Sabado naman pala masyadong lutang ang utak ko dahil sa nangyari kahapon.
"Good Morning Anak" bati sakin ni mama. "Este good Afternoon" natatawa niyang sabi sinamaan ko ng tingin si mama at nagtanong kung anong pwedeng ulamin, tinuro nila sa akin at kumain na This is my Brunch (BreakfastXLunch)
Pagkatapos kong kumain naligo na ako at pumunta sa bahay ni Kacey para mag-aya magmall.
"Hi Kacey. Mall?" bungad ko sa kanya pagkapasok ng kwarto niya pinagbuksan ako ni Tita Kei nanay niya.
"Grabe ka Kyla ah Mall agad? di pa nga ako naliligo oh" sabi niya at tinuro ang katawan niyang bagong unat mula sa kama.
"Look, It's almost 1:00 at kagigising mo lang? Anong oras ka natulog?" i smirked.
"Hehe. 3:00 AM na ako nakatulog eh" Hayst tulog mantika talaga siya kahit kailan.
"Okay okay magbihis ka na at maligo! Sa labas na tayo kumain treat ko" i said at yung mata nya nagliwanag na parang bata. "Kaya nga lang kapag treat ko fishball lang ang kakainin. haha" pang-aasar ko pero balak ko naman talaga siyang ilibre eh i'm just teasing her.
"Ehh, Libre na! Dalliiii na!" she pout. tumango ako at tinulak siya papasok ng CR.
Sinara niya na iyon at nagbutinting nalang ako dito sa kwarto niya ng kung ano i like reading kaya naghanap ako ng libro pero imbis na libro ang makita ko sa shelf nahugot ko yung Album niya at tabi nun nakita ko ang diary niya i tried to open it but it has a lock triny ko rin yung album pero may lock rin tiningnan ko nalang yung likod, nakita kong nakasulat dun ......
"MAAALALA MO RIN AKO" caps lahat at dun naman sa Album nakalagay "HOPE WE CAN MAKE THIS KIND OF MEMORIES AGAIN"
May nakaukit pa sa harapan "Mae Bautista" Second name nya at apelyido ni Caleb? Di kaya...?
Natapos ang pagda-day dream ko ng makita ko si Kacey na nasa labas at bihis na pero di pa nakakasuklay.
"Hey Kyla, What are you doing huh?" Kinuha niya yung album at diary nagulat siya dahil sa nakita niya.
Ano kaya iyon?
BINABASA MO ANG
The Fake Us
FanfictionFAKE, Turing niya lang sa akin ay Fake Girlfriend. Turing ko rin sa kanya ay Fake Boyfriend. Magkatotoo kaya o hanggang FAKE nalang kami? Dapat ba akong matuwa dahil may KAMI o dapat akong malungkot dahil hanggang doon nalang kami ?