Chapter 3

24 1 0
                                    

Kacey's POV

"Ang yabang mo, wala ka namang pinagyayabang," sabi ko sa kanya at tsaka umirap.


"Tss. Kaya pala titig na titig ka sa katawan ko kanina?" nakangising tanong niya sa akin.


"Asa pa Caleb !" i said, kailangan minsan magde-deny ka para di halata haha.


"Di ako umaasa sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko, Kacey" nakangisi ulit niyang sagot.


"Ah kaya pala natalo ka at walang pumatol na babae sa'yo, jerk!" pang-aasar ko pa.


"Tama na yang kasweet-an niyo nilalanggam na kami rito eh." sabi ni Third habang tinawanan nung tatlo. 


"Tsk! Kami sweet?! Never!" sabi ko. 


"Yun naman tingin mo Kacey diba?" tanong ni Caleb sa akin


"Aba, 'yang self esteem mo minsan Caleb sumosobra na eh! Bawas-bawasan ah! Dapat diyan binabagay sa kung ano naman talagang ipagyayabang  hindi yung nagyayabang ka nga eh wala ka namang pinagyayabang!" pang-aasar ko.


"PWEDE BA TAMA NA?!" sigaw nung 4. 


Umupo na kami sa tabi nila at nanahimik naiinis na nga 'yung tatlo sa ingay namin. 


"Let's have a game!" masayang sigaw ni Kyla. 


"Ano naman?" inis kong tanong habang nakataas ang kilay.


"Hmm? Dare or Punishment! Para maiba naman." Sagot ni Kyla.


"Ano yun?" tanong ni Akiro.


"Iba 'to, imbento, para maiba naman nakakasawa na Truth or Dare eh!" sagot ni Kyla.


"Paano?" tanong ni Ayu.


"Gan'to magspi-spin ako ng bottle tas kung sino matapatan ida-dare then kapag ayaw may punishment." 


"Sige, I like that!" sang-ayon ni Caleb.


"Let's start ako na mag-iikot." Prisinta ko, baka kasi madaya haha.


Unang natapatan ng bote si Akiro. 


"Ugh Wag niyo ko pahirapan please" nagpuppy eyes si Aki. 


"This is just so Easy, bro" Sabi ni Caleb.


"Kiss one of this three girls in her forehead, nose and two cheeks" ngising sabi ni Caleb.


"What?!" gulat na sagot naman ni Aki. "I'll just take the punishment, baka magulpi pa ako ng hahalikan ko sa tatlong 'to." bawi niya.


"Sige ! Ayaw mo mas mahirap kapag punishment, bruh" sabi ni Third.


"I'll just take that ayoko magulpi ng babae haha" cool na sagot niya.


"Okay, take off two of your clothes" ngising sabi ni Third. 


"What?!" gulat niya ulit na tanong.


"Pick!" Sagot ni Third.


"I'll just kiss ....." bawi ulit niya at nanahimik lahat hinihintay kung sino sa aming tatlo ang pipiliin niyang halikan. "I'll just kiss Kyla." gulat na gulat kami lahat lalo na si Kyla napatayo pa. 


"B...Bakit ako?!" painosenteng sagot niya.


"No Choice dalawa lang ang outher cloth ko Kyla!" sabi niya at yumuko.


"K then basta wag ang Virgin Lips ko." Sus papayag ka din pala Kyla! hahaha.


Tumango siya at hinalikan si Kyla.... una sa forehead, pangalawa sa nose, omo! nakakakilig sumunod sa 1st cheeks right and sa left and some unexpected thing happened ! Kiniss ni Aki si Kyla sa Lips What?! omo! halatang gulat na gulat si Kyla at parang nakakita ng multo. 





The Fake UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon